Pagmimina sa Homonhon island, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,409 total reads

Kinondena ng Diocese of Borongan ang operasyon ng pagmimina sa Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar.

Ayon kay Borongan Diocesan Social Action Director Fr. James Abella, nakalulungkot pagmasdan na unti-unting nawawala ang kagandahan ng isla dahil sa pang-aabuso ng mga tao.

Sinabi ni Fr. Abella na ang pagmimina sa isla ay humantong sa pagkaubos ng kagubatan, siltation sa baybaying dagat na nakaapekto na sa hanapbuhay ng mga mangingisda, gayundin sa mga magsasaka.

“Malaki na ang pinsalang dulot ng mapanirang pagmimina sa Isla ng Homonhon. Kami sa Diocese of Borongan ay sobrang nanlulumo at nababahala sa mga pangyayaring ito. Sa ngayon may apat (4) na mga active mining companies ang nag-ooperate sa nasabing isla,” pahayag ni Fr. Abella sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ng pari ang TechIron Resources, Inc., Emir Mineral Resources Corp., King Resources Mining Corp., at Global Min-met Resources, Inc. na kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon sa Homonhon Island.

Dagdag pa ni Fr. Abella na panganib din ang dulot ng pagmimina sa mga apektadong pamayanan dahil sa pagguho ng mga lupa at pagkasira ng mga kalsada lalo na tuwing umuulan, maging pagkakasakit ng mga residente.

“Nakakaapekto na ang dust pollution na nae-experience sa mga kabahayan lalo na sa mga barangay kung saan malapit ang mga minahan. Na siya ring nagdudulot ng sakit sa mga taong mababa ang mga resistensiya,” ayon kay Fr. Abella.

Mayaman ang Homonhon Island sa deposito ng nickel at chromite na mas umaakit sa mga mining company para magsagawa ng operasyon.

Magugunita noong Abril 2020 nang harangin ng mga apektadong residente ang pagpasok ng barko na magdadala ng chromite ore patungong China sa kabila ng quarantine restriction bunsod ng COVID-19 Pandemic.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,834 total reads

 13,834 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,961 total reads

 13,961 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,059 total reads

 25,059 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,465 total reads

 81,465 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 204,966 total reads

 204,966 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,095 total reads

 289,095 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,525 total reads

 175,525 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top