Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapabuti ng simbahan, hangarin ng Synod of Synodality

SHARE THE TRUTH

 6,398 total views

Higit na pagpapabuti ng simbahan sa buong mundo ang pangunahing hangarin ng Synod on Synodality na inisyatibo ng Santo Papa Francisco na nagsimula noong 2021 na magtatapos sa Oktubre ng susunod na taon.

Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang sinodo na nagsimula sa mga parokya at diyosesis sa buong mundo ay layuning makita ang nararanasan at mga karanasan ng simbahan at kung paano pa mapapalago ang pananampalataya.

Naniniwala din ang arsobispo na sa pamamagitan ng synod ay marami ang matutunan ng simbahan sa bawat bansa sa pakikinig sa iba’t ibang usapin at suliraning kinakaraharap.

“To bring everybody together and so different sectors of the church could listen to the experience of sectors where church life is more vibrant, more alive and we can learn from successes but we may also learn from the failures and setbacks,” ayon kay Archbishop Brown.

Binigyang halimbawa din ni Archbishop Brown ang bumababang bilang ng mga katoliko kabilang na sa Europa at North America, habang yumayabong naman sa iba pang panig ng mundo.

Gayundin ang mabuting pakikipamuhay sa kapwa na iba ang paniniwala, kultura at pananaw.

“The idea of being sent is part of the church’s nature and the idea of the synodal experience was to reflect on that reality and to think about how we can be more missionary in the current context of the world. How we can spread the message of Christ and bring people to know him and receive the sacraments in the Catholic church,”pahayag ni Archbishop Brown sa Pastoral visit on-air sa Radio Veritas

Sinabi ng arsobispo sa programang Pastoral visit on-the-air ng Radyo Veritas, nais ng Santo Papa na mapakinggan ang karanasan ng bawat kasapi ng simbahan lalo na sa mga pinakamalalayong lugar.

Sa October ngayong taon inaasahan ang pakikibahagi ng Santo Papa Francisco at mga kasapi ng sinodo sa gaganaping pagpupulong sa Vatican, ganun din sa Oktubre ng 2024 bilang pagtatapos ng synod.

Tema ng Synod on Synodality ang ‘Communion, Participation and Mission,’ kung saan sa 2025, inaasahan ding maglalabas ng dokumento si Pope Francis kaugnay sa resulta ng naging pagtitipon ng simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 337,955 total views

 337,955 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 354,923 total views

 354,923 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 370,751 total views

 370,751 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 460,529 total views

 460,529 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 478,695 total views

 478,695 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 3,448 total views

 3,448 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 3,449 total views

 3,449 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

 23,761 total views

 23,761 total views Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026. Ginanap ang paglagda sa General Appropriations

Read More »

12-percent VAT, bawasan ng 2-porsiyento

 41,313 total views

 41,313 total views Naniniwala si Sen. Erwin Tulfo na hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalan kung babawasan ng dalawang porsiyento ang umiiral na 12 percent

Read More »
Scroll to Top