Pagpapalago ng pananampalataya, paiigtingin ng kura-paroko ng Sacred Heart of Jesus Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,835 total reads

Tiniyak ng bagong kura paroko ng Sacred Heart of Jesus Parish – Sta. Mesa Manila ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong mahubog at mapalalim ang pananampalataya ng nasasakupan.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Artemio Fabros sinabi nitong ipagpatuloy ang mga gawaing magpapalago bilang isang komunidad.

“Pagsusumikapan kong itaguyod ang pamayanang ipinagkatiwala para mas umunlad ang panananampalataya at mailapit ang tao sa Panginoon,” ani Fr. Fabros.

Ginanap ang pagtalaga sa pari nitong January 24 kasabay ng pagbukas sa Jubilee Door ng simbahan sa pagdiriwang ng simbahan sa ika – 120 anibersaryo ng Pagdating ng Pagdedebosyon sa Mahal na Puso ni Hesus.

Sinabi ni Fr. Fabros na sa gabay ng Mahal na Puso ni Hesus ay higit na mapalalim ang pananampalataya ng sambayanan.

Hiling ng pari sa nasasakupan ang pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang anumang gawain sa ikabubuti at ikauunlad ng parokya.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbukas sa Jubilee Door at pagtalaga kay Fr. Fabros kung saan inihabilin ng cardinal sa mamamayan ang pari at hiniling na tuwangan sa mga gawain upang maging epektibong pinunong pastol ng parokya.

Dahil sa pagbukas ng Pintong Hubileyo ang makatatanggap ang sinumang dadalaw sa simbahan ng plenary indulgence alinsunod sa mga alintuntuning mangumpisal, tumanggap ng komunyon at ipanalangin ang natatanging intensyon ng Santo Papa Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 35,476 total reads

 35,476 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 73,284 total reads

 73,284 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 108,583 total reads

 108,583 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 334,853 total reads

 334,853 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 226,022 total reads

 226,022 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top