Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalakas ng technical group at seguridad ng automated election system, tututukan ng bagong PPCRV chairperson

SHARE THE TRUTH

 559 total views

Hindi makina ang naghahalal sa mga opisyal ng bayan kundi ang mga botante.

Ito ang binigyang diin ng bagong chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na si Ms. Evelyn R. Singson sa dalawang aspekto na kanyang tututukan sa pamamahala sa pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika tuwing halalan sa bansa.

Bilang bagong pinuno ng PPCRV ay kabilang sa dalawang pangunahing isusulong ni Singson ang higit na pagpapalakas sa Technical Group na magbabantay sa integridad ng voting machines at pagbibigay seguridad sa sistema ng halalan o ang Automated Election System.

Bukod dito, inaasahan rin ang patuloy na pagsusulong ng PPCRV sa paggabay sa mga botante kaugnay sa kahalagahan ng eleksyon at ang pagninilay sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.

“Evelyn [Singson], as the new Chairperson of PPCRV will focus on two main aspects in line with PPCRV’s mission: To strengthen the Technical Group of PPCRV in monitoring the integrity of the voting machines and, keeping secure and protected the Automated Election System. But at the same time, she averred that “machines do not elect the leadership, voters do.” As such, PPCRV’s ongoing work program will be “educating the voters to learn and discern what is moral and right.” This will define what responsible voting would mean for the electorate.”pahayag ng pamunuan ng PPCRV.

Papalitan ni Singson si Ms. Myla Villanueva na nagsilbing chairperson ng PPCRV sa nakalipas na dalawang national elections, noong 2019 midterm election at ang katatapos lamang na National and Local Elections noong nakalipas na ika-9 ng Mayo, 2022.

Palalakasin din ni Singson ang partisipasyon sa PPCRV ng lahat ng mga parokya, church institutions, schools, civic clubs at maging ang business community bilang katuwang sa pagbabantay sa malinis, matapat, mapayapa at responsableng halalan sa bansa.

“In her tenure, PPCRV will proactively invigorate parishes, church organizations, schools, civic clubs and the business community to join hands in ensuring responsible voting. Evelyn envisions a citizenry converted toward “putting country above self.”” Pagbabahagi pa ng PPCRV.

Si Singson ay nagsilbi bilang former president ng Management Association of the Philippines (MAP) at chairman ng Women for Women Foundation (Asia) Inc. na kilala rin sa kanyang mga gawin para sa pagsusulong ng women and youth empowerment.

Isa rin si Singson sa mga TOWNS’ (Ten Outstanding Women in the Nation’s Service) awardee.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 16,915 total views

 16,915 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,975 total views

 30,975 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,546 total views

 49,546 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,328 total views

 74,328 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567