Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapatayo ng 100-feet Divine Mercy image, matatapos na

SHARE THE TRUTH

 263 total views

Bagamat hindi pa tapos, nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga delegado at deboto ng 4th World Apostolic Congress on Mercy na masilayan ang 100-feet image ng Divine Mercy sa Pambansang Dambana ng Awa sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay WACOM – ASIA Secretary General Rev. Fr. Prospero Tenorio, nasa 50-percent na ang construction kung saan umaabot na sa P43-milyon ang kanilang nagagastos sa imahen at gusali.

Inihayag ni Father Tenorio na matatapos ang konstruksyon ng 90-milyong pisong 100-feet image sa unang linggo ng Abril 2017 kasabay ng pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday.

Pinangunahan naman ni Malolos Bishop Jose Oliveros ang pagpapasinaya sa Home of the Divine Mercy ngayong ika-19 ng Enero 2017.

“Halos naubos na ang more or less P43 million na ating nagagastos. All in all batay dun sa ating contractor at least mga P90 to P93 million ang total cost ng ating proyekto.” pahayag ni Father Tenorio sa panayam ng Radyo Veritas

Sinabi ni Father Tenorio na idaraos roon ang mga Basic Orientation Seminar on Mercy na isinasagawa sa kanilang parokya buwan – buwan.

Magtatayo din ng Divine Mercy Institute sa lugar para sa mga foreign at local na layko na naghahangad na maging dalubhasa ukol sa awa ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 11,248 total views

 11,248 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 30,933 total views

 30,933 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 68,876 total views

 68,876 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 87,092 total views

 87,092 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 87,761 total views

 87,761 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 113,575 total views

 113,575 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 148,004 total views

 148,004 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567