Pagpapawalang bisa sa Oil Deregulation Law, ipinanukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,778 total views

Muling iginiit ng mambabatas ang pagpasa ng mga panukala na tutugon o makakapigil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Assistant Minority leader, Gabriela Party list Representative Arlene Brosas, walang kakayahan ang pamahalaan upang pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa ulat, nagpatupad ng pagtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa loob ng magkakasunod na anim na linggo na ang pinakahuli ay ngayong araw na nagkakahalaga ng piso at 50 sentimo sa kada litro ng diesel; at dalawampiso at 50 sentimo sa gasoline.

Ayon kay Brosas, tatlong panukala ang kanilang inihain sa kamara kabilang na ang pagsasantabi sa Downstream Oil Industry Deregulation Law of 1998 na siyang ginagamit na dahilan ng mga kompanya ng langis ang pagpapatupad ng lingguhang pagtaas sa presyo.

Kabilang din sa ipinanukala ng Makabayan bloc ang nationalizing Petron Corporation- o pagbili o muling pagbawi ng pamahalaan sa Petron upang makatulong na makontrol ang pagtaas ng presyo ng petrolyo-dulot ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado at ang bill instituting centralized procurement of oil products.

“Hindi na pwedeng idahilan pa ang galaw sa presyuhan ng langis sa international market, kasi kung ganun, sinasabi rin natin na okay lang pumalo ng P80 kada litro ang diesel. What should be done is to consider pending proposals to regulate the downstream oil industry, including centralized procurement of oil products,” ayon kay Brosas.

Iginiit ng mambabatas na hindi dapat magpatali ang pamahalaan sa umiiral na pandaigdigang kartel sa pamamagitan ng pagbabawas ng suplay na dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa naman ng kilos protesta ang Bayan Muna at PISTON bilang pagkondena sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo gayundin ang panawagan ng suspensyon sa pagpapataw ng Value added Tax at excise tax sa petroleum products.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,595 total views

 18,595 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,609 total views

 68,609 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,478 total views

 64,478 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,475 total views

 100,475 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,179 total views

 108,179 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top