Walang maiiwang mahihirap, social mission ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,239 total reads

Nangako ang social arm ng Archdiocese of Manila na patuloy na gagampanan ang tungkuling matulungan ang nangangailangan lalo ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Tiniyak ni Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual sa paggunita ng ika-70 anibersaryo ng institusyon ang pagpapaigting sa sama-samang pagtutulungan upang maabot ang mga higit na nangangailangan.

“Tamang-tama naman ito sa tema ng Caritas Manila ‘yung social mission natin na walang naiiwang mga mahihirap, malnourished children, jobless people, maysakit na nasa laylayan, kasama lahat tayo sa paglalakbay. Sila ay dapat nating gabayan na mapalapit sa Diyos at magkaisa tayo sa simbahan para sa pagpapalaganap ng katarungan at pagmamalasakit sa kapwa lalong lalo na sa mga mahihirap.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Fr. Pascual kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagbabahagi ng mga kaalaman at karanasan sa ginanap na unang yugto ng Synodality Conference na may temang Social Mission of the Church noong Agosto 12 sa Lay Formation Center, San Carlos Seminary, Guadalupe, Makati City.

Sinabi ng pari na malaking bagay ang mga ibinahagi ni Bishop David upang higit na maunawaan ng dumalong 300 volunteers ng Caritas Manila ang kahalagahan ng sama-samang paglalakbay tungo sa pagpapaigting ng pananampalataya at pagbibigay-pansin sa iba’t ibang pangyayari sa lipunan.

“Nagpapasalamat tayo kay Bishop Ambo David sa kanyang paglalaan ng panahon upang magbigay ng kanyang karunungan at karanasan sa synodality na itinutulak ngayon ni Pope Francis sa buong mundo na sama-sama tayong maglakbay sa pananampalataya at walang napag-iiwanan.” saad ni Fr. Pascual.

Isasagawa naman ang ikalawang yugto ng conference sa Agosto 21 kung saan ang magiging tagapagsalita ay si CBCP-Office on Stewardship chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo.

Inaasahang ibabahagi ni Bishop Pabillo ang mga karanasan sa pagtataguyod ng synodality sa Apostolic Vicariate of Taytay, at ang pagkalinga sa mga mahihirap na pamayanan sa lalawigan ng Palawan.
Sa mga nais namang makibahagi sa Synodality Conference, makipag-ugnayan lamang sa Caritas Manila sa numerong 8562-0020 hanggang 25 local 131, para sa karagdagang detalye.

Unang kinilala bilang Catholic Charities, ang Caritas Manila na itinatag noong Oktubre 1953 sa pamamagitan ng noo’y Arsobispo ng Maynila na si Rufino Cardinal Santos.

Tema ng anibersaryo ng social arm ng Archdiocese of Manila ang “Pitong Dekada ng Paglalakbay Kasama si Kristo para sa mga Mahihirap”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 178,107 total reads

 178,107 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 207,323 total reads

 207,323 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 241,445 total reads

 241,445 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 297,849 total reads

 297,849 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,005 total reads

 183,005 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top