Tungkulin ng pamahalaan sa pagsisimula ng school year 2023-2024, ipinaalala ng TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,658 total reads

Ipinapaalala ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang tunay na layunin ng ‘Brigada Eskwela’ sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Benjo Basas – National Chairperson ng TDC, isinasabuhay ng gawain ang pagkakawanggawa kung saan boluntaryong inaayos ang pasilidad ng mga pampublikong paaralan.

Ipinaalala naman ni Basa sa mga nakibahagi na huwag kalimutan na pangunahing tungkulin ng pamahalaan na isaayos ang mga pasilidad, punan ang kulang na mga kagamitan at pangangailangan ng mga mag-aaral.

“Pero wag din natin kakalimutan ang school maintenance ang pagpapaayos ng paaralan, ang pagpapaganda ng paaralan sagutin ng estado, sagutin ito ng gobyerno, ito ay yung kung ano lamang ang maaring ibigay on a voluntary basis ng ating mga mamamayan at ng ating mga stakeholders, yun lang po iyon ” ayon sa mensahe ni Basas.

Ipinarating naman ni Basas ang lubos na pasasalamat sa mga volunteers na nakibahagi sa “Brigada Eskwela”.
“Walang pambili ng pintura and everything yan po ay hindi sagutin ng magulang, hindi sagutin ng kapitbahay at hindi sagutin ng baranggay o ng mga organisasyon sa paligid yun po ay sagutin ng estado yan po ang maliwanag gayunpaman hindi natin inaalis na sinuman ang gustong tumulong ay welcome po,” bahagi pa ng mensahe ni Basas para sa Radio Veritas.

Inaasahan naman ng Department of Education na aabot sa 28.4-milyon ang mga student enrollee sa school year 2023-2024 na magsisimula sa ika-29 ng Agosto, 2023.

Muli namang ipinaalala ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga mag-aaral, magulang, guro, kawani ng paaralan at stakeholders ng education sector na palaging salubungin ang bagong school year ng may pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 121,615 total reads

 121,615 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 197,323 total reads

 197,323 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 230,771 total reads

 230,771 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 266,070 total reads

 266,070 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 487,803 total reads

 487,803 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top