Ika-40 taong anibersaryo ng pagpaslang kay Ninoy, alalahanin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,998 total reads

Inaanyayahan ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mananampalataya na makiisa sa paggunita ng ika – 40 taong anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senator Benigno Ninoy Aquino sa August 21, 2023.

Ayon sa arsobispo, ang pagpaslang sa dating mambabatas ang binhi ng mapayapang 1986 EDSA People Power revolution na naging daan upang makamit ng bansa ang kasarinlan mula sa diktadurang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Isang misa ang isasagawa sa Santo Domingo Church sa Quezon City ganap na alas 10 ng umaga na pangungunahan ni Archbishop Villegas.

“Your attendance will be an opportunity for us to stand up for the truth of history and renew our commitment to be heroic Filipinos for our times. Let us be heroes together.” pahayag ni Archbishop Villegas.

Sa kasaysayan, August 21, 1983 nang barilin si Aquino ni Rolando Galman sa tarmac ng dating Manila International Airport nang lumabas ito sa eroplano.
Agad ding napaslang si Galman ng mga kawani ng Aviation Security Command at 25 militar officer ang inaresto kabilang na si dating Armed Forces Chief of Staff General Fabian Ver.

September 28, 1990 nang mahatulan ng reclusion perpetua ang 16 na akusado habang pinagtibay naman ng Korte Suprema ang desisyon noong 1991.

Apat na dekada makaraang mapaslang si Aquino ay patuloy na tinatamasa ng bansa ang demokrasyang bunga ng pakikibaka ng mga Pilipino subalit muli itong nahaharap sa iba’t ibang suliraning panlipunan kabilang na ang human rights violation at malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Gayundin ang laganap na fake news at misinformation lalo na ang historical revisionism kung saan pilit binabago ng iilang indibidwal ang kasaysayan para sa pansariling kapakinabangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 33,992 total reads

 33,992 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 67,450 total reads

 67,450 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 103,933 total reads

 103,933 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 122,145 total reads

 122,145 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 204,644 total reads

 204,644 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top