Pagpatay sa American marine biologist, kinundena ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,796 total reads

Mariing kinondena ng Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) ang pagpaslang sa kilalang American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter, na naglaan ng mahigit limang dekada ng kanyang buhay sa pananaliksik at pangangalaga sa yamang-dagat ng Pilipinas.

Ayon sa PMPI, malaking kawalan sa pandaigdigang komunidad ng agham at sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan ang pagpanaw ni Carpenter.

“We vehemently condemn this heinous and senseless act of violence against a defenseless individual who dedicated his life to the service of science and the protection of our natural world,” pahayag ng PMPI.

Binawian ng buhay ang 73-anyos na siyentista matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang tahanan sa Barangay Ajong, Sibulan, Negros Oriental dakong alas-11:30 ng gabi noong July 12.

Batay sa ulat ng pulisya, binaril si Carpenter ng mga suspek bago tumakas ang mga ito, dahilan upang bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group “SITG Carpenter” upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa krimen.

Kinilala si Carpenter bilang Professor Emeritus ng Old Dominion University at adjunct professor ng Silliman University. Siya ang siyentistang nagpakilala sa Verde Island Passage bilang “Center of Marine Shore Fish Biodiversity” sa buong mundo at ginamit ang kanyang pananaliksik upang isulong ang pangangalaga sa yamang-dagat ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng PMPI na bagama’t hindi isinilang sa Pilipinas si Carpenter, inialay naman nito ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa pangangalaga ng yamang-dagat ng bansa at pagtatanggol sa kalikasan.

“His legacy will continue to inspire all who champion the rights of nature, especially the rights of our oceans,” pahayag pa ng PMPI.

Umaasa rin ang organisasyon sa mabilis, masusi at malinaw na imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen at maibigay ang katarungan sa isang siyentistang nag-iwan ng mahalagang ambag sa pangangalaga ng biodiversity ng Pilipinas.

Nauna nang nagpahayag ng pakikiramay ang Protect Verde Island Passage (Protect VIP) campaign network, na kinilala ang malaking ambag ni Carpenter sa pagkilala ng Verde Island Passage sa buong mundo at nanawagan ng masusing imbestigasyon, katarungan, at higit na proteksyon para sa mga environmental defender.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,611 total reads

 73,611 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,421 total reads

 213,421 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,197 total reads

 329,197 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,992 total reads

 446,992 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 242,272 total reads

 242,272 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top