Pagputol ng mga puno sa quarrying sa Pagbilao, Quezon, binatikos ng QUEEN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,534 total reads

Iginiit ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology at Quezon for Environment (QUEEN) convenor Fr. Warren Puno na may tungkulin ang Simbahan na magsalita at makialam sa mga usaping may kinalaman sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan.

Ito ay kasunod ng naging pagpuna ng isang barangay official kaugnay ng pagtutol ni Fr. Puno sa quarrying operations sa Pagbilao, Quezon.

Ikinabahala ng pari ang patuloy na pagkasira ng kalikasan sa lugar na kanyang madalas madaanan tuwing bumibiyahe pauwi ng Atimonan.

Aniya, ikinagalit ng barangay captain na nasasakupan ng quarry site ang kanyang mga pahayag laban sa operasyon at inakusahan siyang nakikialam sa mga usapin ng barangay.

“Hindi po nakikialam ang Simbahan para manghimasok sa pamamahala ng barangay. Nakikialam ang Simbahan kapag may usaping moral na nakaaapekto sa tao, sa kalikasan, at sa kinabukasan ng susunod na henerasyon,” pahayag ni Fr. Puno.

Binigyang-diin ng pari na mula pa noong panahon ng mga propeta ay tungkulin na ng Simbahan na maging tinig ng mga walang tinig at tagapagtaguyod ng kabutihang panlahat.

Ayon kay Fr. Puno, hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa mga gawaing nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbaha, pagguho ng lupa, pagkawala ng kabuhayan, at panganib sa buhay ng mga pamayanan.

Ipinaliwanag din ng pari na sa pagtingin sa mga proyektong tulad ng quarrying, hindi sapat na usaping legal lamang ang batayan kundi dapat ding isaalang-alang ang kaligtasan ng mamamayan at kapakanan ng susunod na mga henerasyon.

“Kapag ang Simbahan ay nagsasalita laban sa pagkasira ng kalikasan, hindi ito laban sa negosyo o sa pamahalaan. Ito ay pagtatanggol sa buhay,” giit ng pari.

Iginiit din ng pari na ang pagkasira ng mga kabundukan, kagubatan, ilog, at iba pang likas na yaman ay higit na nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan, lalo na sa mga magsasaka, at mangingisda.

Nanindigan si Fr. Puno na ang pananahimik sa harap ng pagkasira ng kalikasan ay hindi pagiging walang panig kundi pakikiisa sa mali, at muling binigyang-diin na tungkulin ng bawat Kristiyano ang pangalagaan ang sangnilikha at ipagtanggol ang buhay.

“Kapag sinisira ang ating tahanan, tungkulin ng bawat Kristiyano na magsalita at kumilos,”
saad ni Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,507 total reads

 9,507 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,471 total reads

 45,471 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,877 total reads

 101,877 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,117 total reads

 225,117 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,279 total reads

 176,279 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top