6,763 total views
Naging matagumpay ang isinagawang huling bahagi ng ALTMobility Philippine Mobility Summit 2025.
Pormal na ipinasa kay Department of Transporation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang mga mungkahi, apela at napagkasunduan sa Mobility Summit na nagsimula noong Abril at natapos noong September 15 kung paano mapapabuti ang transportation sector para sa mga Pilipino.
Ayon kay ALTMobility Philippines Director – Patricia Mariano, sa nakalipas limang buwan na talakayan ay nabuo ang matitibay na plano at pakikipagtulungan sa pamahalaan, private sector, mga paaralan at transport stakeholder hinggil sa mahalagang hakbang na kailangang simulan at pagtulungan upang mapabuti ang transport sector.
“The importance of collaboration or you know as we call it nga din po ‘Co-design’ I think at its core our cities, our transportation, it has to be for the people and it can only be for the people if we listen to each other if we try to understand where our concerns lie, how we can address those, we know that there are limitations to what government can do, to what private sector can do, to what individuals and civil society can do but I truly believe if we come together and with this shared goal of improving our mobility, improving our cities then we can find ways to overcome this challenge,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mariano.
Tiniyak naman ni Undersecretary Pastor na pag-aaralan nang kanilang DOTr ang mga nakapaloob sa ipinasang dokumento ng ALTMobility at partnered agencies upang higit na mapabuti ang transport sector para sa mga Pilipino.
Inamin ni Pastos na napapanahon ang pagtutulungan sa pagitan ng private commutters at public sector ng tranportasyon upang higit na mapabuti ang sistema at mabigyan ng pinaigting na serbisyo ang mga Pilipino.
Napagkasunduan sa Philippine Mobility Summit ang pagtutulungan ng Department of Transportation, ALTMobility Philippines at pribadong sector sa edukasyon at transportasyon upang higit na maisaayos ang mga imprastraktura at public transportation system.
Sa kasunduan, palalakasin ang mga institusyon at pamamahala sa maayos na transportasyon, kaligtasan sa kalsada, pagpapatupad ng mga inclusive street design at climate-resilient infrastructure, at public spaces para sa mga bata, matatanda, persons with disabilities, pedestrian at siklista.
Pinagtibay din ang pagpapalawak ng mga pagpipilian sa pampublikong transportasyon upang matiyak magkaka-ugnay at maayos ang sistema, gayundin ang pagpapanatili ng katapatan o transparency sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga transport projects.(