Pagsilbihan ang bawat pamilya, hamon ng Santo Papa sa mga alagad ng Simbahan sa Asya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 967 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na ipagpatuloy ang mga gawaing makatutulong sa kapwa lalo na ang pagpapalago ng pananampalataya.

Sinabi ng Santo Papa sa Angelus na mahalagang hingin ang paggabay ng Espiritu Santo sa paglilingkod sa kapwa.

“I encourage you, dear Brothers, to go forward in your apostolates, always renewing yourselves with the grace of the Holy Spirit and being courageous in opening new paths to the service of families, to make the beauty of the Covenant shine forth – Covenant, the beauty of the Covenant – established between God and men, with spirituality and the experience of Christian values,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Aminado si Pope Francis na isang malaking hamon sa bawat binyagan na makibahagi sa misyon ni Hesus lalo sa kasalukuyang panahon na maraming balakid bunsod ng iba’t ibang suliranin sa pamayanan.

Umaasa ang santo papa na paiigtingin ng tao ang pagbabahagi ng Mabuting Balita at ipadama sa kapwa ang kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagkawanggawa.

Sa Pilipinas, sinisikap ng simbahan na abutin ang mga nalalayo ang pananampalataya at mga naisasantabi sa lipunan alinsunod sa “synod on synodality ng Santo Papa.

Sa nagdaang konsultasyon sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa, nakitang malaki pa ang pagkukulang ng simbahan para abutin ang higit na nangangailangan sa pamayanan lalo na sa mga taong hindi nakakikilala kay Kristo.

Ito ang isa sa mga paksang tinalakay ng asian bishops sa nagdaang general conference ng Federation of Asian Bishops’ Conferences kung saan napagkasunduan ng mga obispo ang pagpapaigting sa pastoral at ecological conversion at pagtataguyod sa pangangailangan ng bawat nasasakupan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 55,390 total reads

 55,390 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 91,831 total reads

 91,831 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 127,130 total reads

 127,130 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 353,400 total reads

 353,400 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 243,690 total reads

 243,690 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top