Pagsisisi at pagbabalik loob, paanyaya ng Lung Center of the Philippines Chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,432 total reads

Tiniyak ni Lung Center of the Philippines Chaplain, Camillian missionary Fr. Almar Roman ang patuloy na pakikilakbay sa lahat ng mga may karamdaman.

Sa pagsimula ng kristiyanong pamayanan ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday sinabi ng pari na pag-ibayuhin pa nito ang pakikilakbay sa mga may sakit lalo na ang mga nasa Lung Center.
“Bilang isang Kamilyanong relihiyoso at pari ito yung ipinapahayag natin sa pinaglilingkuran naming mga maysakit ang paghahanap ng kahulugan sa kabila ng hamon sa buhay; ang Ash Wednesday ay paalala sa kahinaan nating lahat,” pahayag ni Fr. Roman sa Radio Veritas.

Paalala ni Fr. Roman sa mga nakaratay sa banig ng karamdaman na ang “mga sakit na nararamdaman ng bawat pasyente lalo na dito sa Lung Center of the Philippines, kasama natin ang Diyos, hindi tayo pinababayaan ng Diyos.”

Aniya, nakipamuhay ang Diyos sa bawat isa sa pamamagitan ng pagkakatawang tao ni Hesukristo at ang pagpapahid ng abo ay nagpapahayag ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
Iginiit ni Fr. Roman na ang Ash Wednesday ay paanyaya ng pagsisisi at pagbabalik loob gayundin ang pagtitiwala sa pag-asang hatid ng pagpapakasakit, pagkamatay at ang muling pagkabuhay ni Hesus na magbibigay kalakasan sa bawat isa.

Apela din nito sa mamamayan na ipanalangin ang kagalingan ni Pope Francis na kasalukuyang nagpapagaling sa Gemelli Hospital nang ma-confine noong February 14 dahil sa bronchitis na kalauna’y nagkaroon ng bilateral pneumonia.

“Sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno at pagkakawanggawa, mga disiplina ng kuwaresma tayong lahat ay inaanyayahan na ipagdasal ang mga maysakit bilang isa sa mga maaring gawin sa ating pananalangin lalo’t higit ang ating santo papa na si Pope Francis na may karamdaman sa mga sandaling ito,” giit ni Fr. Roman.

Pinangunahan ng Kamilyanong pari ang pagpapahid ng abo sa mga pasyente sa mga ward ng ospital katuwang ang mga kasapi ng pastoral care ng pagamutan.

Samantala patuloy ang paghahanda ng Camillian missionaries sa bansa sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas sa March 8 kung saan kabilang sa mga tampok na gawain ang pagdiriwang ng banal na misa sa Immaculate Conception Cathedral sa Diocese of Cubao na pangungunahan ni Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF kasama si Bishop Emeritus Honesto Ongtioco

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 25,183 total reads

 25,183 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 48,076 total reads

 48,076 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,576 total reads

 84,576 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 305,201 total reads

 305,201 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,385 total reads

 338,385 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top