Pagsuporta ng Metro Manila mayors sa pagpahinto ng quarrying sa Masungi Georeserve at Upper Marikina watershed, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 994 total reads

Pinuri ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pakikiisa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa iba pang alkalde ng National Capital Region sa panawagang ihinto ang quarrying operations sa Masungi Georeserve at Upper Marikina Watershed sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, miyembro ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace, magandang hakbang ito ng mga opisyal ng Metro Manila dahil patunay ito na kanilang ang mga pangako na pangalagaan ang kapakanan ng kalikasan at mga kinasasakupan.

Nauna nang nagpahayag ng suporta sa panawagan sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, at Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.

“Maganda itong ginawa ng mga Mayor ng Metro Manila, especially kay Mayor Joy [Belmonte] dahil pinapakita nila na tinutupad nila ang kanilang mga pangako na paglingkuran hindi lamang ang mamamayan kundi pati ang inang kalikasan,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na nararapat lamang na paigtingin ang panawagang ihinto ang anumang uri ng proyektong nakakasira sa kalikasan dahil tiyak na mas matinding panganib ang maaaring idulot nito sa malalapit na komunidad sakaling magkaroon ng mga sakuna.

“Hindi nakakatulong sa kalikasan ang pagbubungkal ng lupa at pagpuputol ng mga punongkahoy sa mga kabundukan dahil mas lalo lamang itong nakadaragdag sa suliranin natin sa climate change. Kapag lumala ito, mas magdurusa ang mga tao sa oras na dumating na ang mga kalamidad, kapag gumanti na si inang kalikasan,” ayon sa Obispo.

Panawagan naman ni Bishop Ongtioco na nawa’y mas paigtingin pa ng pamahalaan ang pagsusuri at pagbabawal na bigyan ng permiso ang mga malalaking kumpanya upang magsagawa ng ilegal na operasyon.

Dalangin din ng Obispo na dumami pa ang mga opisyal ng pamahalaan na tumulad sa mga naunang lumagda sa panawagan upang patuloy na itaguyod ang pagmamalasakit at pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa sama-samang panawagan ng mga opisyal, umaapela ang mga ito sa quarrying companies na muling suriin ang magiging epekto ng kanilang mga proyekto sa kalagayan ng mga tao at kalikasan, at kusang-loob na bawiin ang mineral production sharing agreements sa loob ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape at Masungi Georeserve.

Nakasaad naman sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na tungkulin ng bawat mamamayan ang pangalagaan ang kalikasan laban sa pang-aabuso ng mga tao para na rin sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,540 total reads

 82,540 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,860 total reads

 116,860 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,160 total reads

 152,160 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,430 total reads

 378,430 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,429 total reads

 267,429 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,272 total reads

 155,272 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top