Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusulong ng DTI na gawing manufacturing hub ng e-cigarettes ang Pilipinas, kinontra ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

 2,401 total views

Hindi dapat balewalain ang kalusugan ng mamamayan sa pagnanais na maiangat ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang paalala ni Anakalusugan Partylist Representative Ray Reyes sa pahayag ng Department of Trade and Industry kaugnay pagturing sa Pilipinas bilang manufacturing hub ng e-cigarettes at heated tobacco products.

Nangangamba ang mambabatas na tila binabalewala ng mga tagapamahala ng ekonomiya ng Pilipinas ang panganib sa kalusugan ng publiko tungo sa hangarin na pag-unlad o pakinabang sa ekonomiya.

“It is deeply concerning that our economic managers are seemingly disregarding the potential health risks of using e-cigarettes and HTPs (heated tobacco products) in favor of economic gain.” ayon kay Reyes.

Iginiit ng mambabatas na bagama’t ang mga produktong ito ay itinuturing na mas ligtas bilang alternatibo sa sigarilyo ay nagdudulot pa rin ng panganib sa kalusugan ng tao.

Sinabi pa ni Reyes na ang pahayag ng DTI ay taliwas din sa layunin ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act na pangalaan ang mamamayan mula sa maaring panganib na dulot ng mga ganitong uri ng produkto.

Ayon sa 2021 Global State of Tobacco Harm Reduction may 82 milyon na ang gumagamit ng ‘vape’ kabilang na ang 2.7 milyon sa Pilipinas kung saan 11 porsiyento ng gumagamit ng e-cigarettes ay pawang nasa 14 na taong gulang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 28,975 total views

 28,975 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 47,309 total views

 47,309 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 65,084 total views

 65,084 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 140,876 total views

 140,876 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 164,625 total views

 164,625 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top