Pagtatalaga sa 2 Cebuanong Obispo, ikinalugod ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,853 total reads

Ikinalugod ni Cebu Archbishop Jose Palma ang magkakasunod na pagkatalaga ng mga obispo mula sa Ecclessiastical Province of Cebu.

Ayon sa arsobispo, isang regalo para sa buong simbahan ang pagkatalaga ng mga obispong magpapastol sa mga diyosesis katuwang ang mga pari.

“Any appointment of a bishop is a joy for the church, their talents and suitability are always for the glory of God and the church,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Matatandaang hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco noong September 30 si Bishop-elect Fr. Euginius Cañete, M. J. na tubong Cebu bilang ikaapat na obispo ng Diocese of Gumaca habang si dating Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo naman ay itinalagang unang pastol sa ika -87 diyosesis sa bansa ang bagong tatag na Diocese of Prosperidad sa Mindanao.

Bukod sa dalawang Cebuanong pari ay hinirang din ni Pope Francis noong October 4 si Bishop-elect Fr. Elias Ayuban, Jr., C.M.F na maging ikalawang obispo ng Diocese of Cubao.

Si Bishop-elect Ayuban na mula sa Loay Bohol na sakop ng Diocese of Tagbilaran na suffragan diocese ng Archdiocese of Cebu.

Tiniyak ni Archbishop Palma ang pakikiisa at panalangin sa mga misyong kakaharapin ng mga obispo ng Central Visayas sa iba’t ibang diyosesis sa labas ng rehiyon.

“Our assurance and prayers that we journey with them full of hope for the church,” ani Archbishop Palma.

Samantala itinakda ng Diocese of Cubao ang episcopal ordination at canonical possession ni Bishop-elect Ayuban sa December 3, 2024 sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao ganap na alas otso ng umaga.

Si Bishop-elect Canete naman ay gagawaran ng episcopal ordination sa December 28 sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa alas 9:30 ng umaga habang ang canonical possession ay itinakda sa January 4, 2025 sa parehong oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,304 total reads

 51,304 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,906 total reads

 130,906 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,353 total reads

 164,353 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,651 total reads

 199,651 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,134 total reads

 424,134 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top