Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtutulungan, panalangin ng Obispo sa pananalasa ng bagyong Carina

SHARE THE TRUTH

 12,067 total views

Mahalin at tulungang maghilom ang kalikasan mula sa pagkasirang gawa ng tao.

Ito ang panawagan ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mamamayan kasunod ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina.

Ayon sa Obispo, magsilbing aral nawa sa mamamayan ang matinding pinsala ng bagyo upang paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan.

Sa nararanasan nating pagbaha dala ng malakas na ulan dahil sa bagyong si Carina at ng habagat, muli ay hilingin natin ang tulong ng Poong Maykapal na mailayo tayo sa ilan pang sakuna. Ito din ay pagkakataon na ating pagnilayan ang ilan sa mga gawain natin na nakakapag-contribute sa pagbaha tulad ng irresponsableng pagtatapon natin ng mga basura sa estero na nakakapadulot ng pagbara s pagdaloy ng tubig.Atin ding makikita ang dami ng mga basura sa dalampasigan na mula s iba’t ibang lugar. Sa ibang lugar naman ay ang pagguho ng lupa sa kabundukan na sanhi na din ng pagpuputol ng mga puno. Sikapin nawa nating pangalagaan ang ating kalikasan,” mensaheng ipinadala Bishop Presto sa Radio Veritas.

Umaapela ang Obispo ng pagkakaisa ng mga mamamayan na tulungan ang mga apektado ng bagyong Carina.

Ipinagdarasal ni Bishop Presto na mamamayani ang pagkakawanggawa sa puso ng bawat isa upang sama-samang makabangon mula sa mga pinsalang idinulot ng ng bagyo.

Sa panahong ito ay maipakita din natin ang pagtutulungan lalo’t higit sa mga nasalanta ng matinding pag-ulan at pagbaha.” panalangin ng Obispo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 100,874 total views

 100,874 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 117,842 total views

 117,842 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 133,672 total views

 133,672 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 225,020 total views

 225,020 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 243,186 total views

 243,186 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top