Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakinggan ang kabataan sa isyu ng ROTC

SHARE THE TRUTH

 563 total views

Mga Kapanalig, kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian na mainam na ibalik sa kolehiyo ang mandatory ROTC o Reserve Officers’ Training Corps (o ROTC). Ito ay matapos lumabas sa survey na ipinagawa ng senador sa Pulse Asia na nagsasabing halos walo sa sampung Pilipino ang suportado ang ROTC.

Sa mahigit isanlibong respondents ng survey, 78% ang suportado ang mandatory ROTC sa kolehiyo, 13% ang tutol, at 8% naman ang hindi sigurado. Ginawa ang survey noong isang buwan, at ang mga tinanong ay mga edad 18 pataas; ibig sabihin, kakaunti lamang, kung mayroon man, ang mga estudyante o kasalukuyang nag-aaral.  

Nangunguna sa listahan ng mga dahilan kung bakit suportado ng mas marami ang pagbabalik ng ROTC ang anila’y pagtuturo nito ng disiplina at pagiging responsable sa mga estudyante. Marami rin ang nagsabing sasanayin nito ang mga estudyante upang maging handang ipagtanggol ang ating bansa. Makapagtuturo din daw ito ng leadership skills at ng kahalagahan ng pagtutulungan o teamwork. Bubuti rin daw ang pisikal na kalusugan ng ating kabataan. At panghuli, magiging mas makabayan daw ang mga estudyanteng Pilipino kung daraan sila sa ROTC. 

Balikan natin ang nangungunang dahil kung bakit mas mabuti raw na maibalik na ang ROTC—ang pagiging disiplinado at responsable ng kabataan. Sa inyong palagay, mga Kapanalig, wala na bang ibang paraan upang matuto ng disiplina at ng pagiging responsable ang kabataang Pilipino? Kailangan ba talagang dumaan sila sa militaristang training upang mapaunlad nila ang kanilang pagkontrol sa sarili, magkaroon ng mabuting karakter, at kumilos nang ayon sa kung ano ang tama at matuwid?  

Kung ganito ang paniniwala natin, bakit kaya ang mga dumaan noon sa ROTC na nasa pamahalaan ngayon ay nasasangkot sa mga tiwaling gawain? Bakit may ilan sa kanilang umaabuso sa kanilang kapangyarihan at pabor sa marahas na pagpapatupad ng batas? Hindi ba’t dapat munang maging mabuting ehemplo ang mga nakatatanda bago nila sabihin kung ano ang makabubuti sa kabataan? Kapag maibalik ang ROTC, gaano tayo katiyak na walang katulad ni dating Pangulong Duterte na nagkunwaring may sakit upang ma-exempt noon sa ROTC? Gaano tayo katiyak na hindi gagamit ng kanilang yaman at impluwensya ang mga pulitiko o matataas sa lipunan upang hindi magbilad sa ilalim ng araw ang kanilang mga anak? Baka hindi disiplina ang ituro ng ROTC. 

Sa Catholic social teaching na Amoris Laetitia, ipinaliwanag ni Pope Francis na kung ang mga nakatatanda ay laging obsessed o nakatutok sa pagkontrol sa ikikilos ng kabataan—gaya ng pagdidiing sila ang nakaaalam kung ano ang nakabubuti sa mga bata—ay salungat sa kanilang tungkuling tunay na gabayan ang kabataan. Sila ang nagdodomina sa espasyong ginagalawan ng kabataan, at hindi ito ang akmang pagtuturo sa kanila, hindi ito ang angkop na paraan upang palakasin ang kanilang kakayahang harapin ang anumang hamon ng buhay. “What is most important is the ability lovingly to help them grow in freedom, maturity, overall discipline and real autonomy,” dagdag ng Santo Papa. At ang kalayaang kailangan ng kabataan ay hindi nakakamit kapag hindi sila pinakikinggan.  

Sa usaping ROTC, hindi ba’t dapat ding tanungin ang pananaw at saloobin ng mga estudyanteng gusto ng mga nakatatandang maging disiplinado? Bagamat mahalaga ang paggalang ng mga nakababata sa nakatatanda—at kasama rito ang pagkatuto sa karanasan ng mga dumaan na sa pagkabata—hindi laging tama ang matatanda. Sa madaling salita, hindi lamang matatanda ang nakakaalam kung ano ang makabubuti sa kabataan.  

Mga Kapanalig, paalala nga sa Santiago 1:19: “maging alisto kayo sa pakikinig [at] maingat sa pagsasalita.” Paano natin masasabi kung ano ang makabubuti sa kabataan kung mas mabilis tayong magsalita tungkol sa kanila kaysa pakinggan ang kanilang boses? 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,179 total views

 15,179 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,847 total views

 23,847 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,027 total views

 32,027 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,030 total views

 28,030 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,081 total views

 40,081 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,180 total views

 15,180 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 23,848 total views

 23,848 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 32,028 total views

 32,028 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 28,031 total views

 28,031 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 40,082 total views

 40,082 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,596 total views

 55,596 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,601 total views

 84,601 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,165 total views

 105,165 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,090 total views

 87,090 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,871 total views

 97,871 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,927 total views

 108,927 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,789 total views

 72,789 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,218 total views

 61,218 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,440 total views

 61,440 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,142 total views

 54,142 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top