Panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel, suportado ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,805 total reads

Suportado ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na ihinto na ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel.

Ayon kay CBCP-Stewardship Office chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, ang pagsasantabi sa industriya ng fossil fuel ay malaki ang maidudulot upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang pagsusulong sa paggamit ng bisikleta at paglalakad na bukod sa makabubuti para sa kalusugan ay magandang alternatibo rin sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina at naglalabas ng mapanganib na usok.

“Iyan po’y bahagi nga ng ating paninindigan sa environment na bawasan natin ang paggamit ng fossil fuel. Pwede tayong makibahagi rito sa maraming paraan. Sa ating mga sasakyan, baka pwedeng magbisikleta na lang, o kaya’y pwedeng lumakad ng konti. Pwede rin sa ating paggamit ng mga bagay-bagay na bawasan natin upang hindi masyado maging magastos.” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Nabanggit naman ng obispo ang Pastoral Letter on Ecology ng CBCP na panawagang isantabi ang pamumuhunan sa mga institusyong sumusuporta sa mga industriya tulad ng fossil fuel, coal-fired power plants, at mining companies.

Panawagan ni Bishop Pabillo sa mga korporasyon na ihinto na ang pamumuhunan sa marumi at mapaminsalang industriya at sa halip ay higit na paglaanan ng pondo ang mga proyektong may kakakayahan ding makalikha ng salapi nang hindi naisasantabi ang kapakanan ng kalikasan at kalusugan ng mga tao.

Hinikayat din ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na tangkilikin lamang ang mga institusyong nagsusulong at namumuhunan para sa malinis na enerhiya.

“I-divest natin ang ating mga pera sa mga kumpanya, sa mga bangko na nagfi-finance nitong mga coal-fired power plant. Mas maglagay tayo ng ating mga pera sa mga lugar, sa mga bangko, sa mga enterprise na nagpo-promote ng green energy, ng renewable energy.” saad ni Bishop Pabillo.

Sa mensahe ni Pope Francis para sa World Day of Prayer for the Care of Creation 2023, iginiit nito na dapat nang mahinto ang kahibangan sa patuloy na pagpapahintulot sa fossil fuel industry dahil sa kaakibat na panganib at pinsala sa tao at kalikasan.

Ginawa rin ito ng Santo Papa bilang panawagan sa mga pinuno ng bansa na dadalo sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit na gaganapin sa Dubai mula November 30 hanggang December 12, 2023, na kabilang sa mga pagtutuunan ay ang usapin hinggil sa fossil fuel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,667 total reads

 110,667 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,652 total reads

 248,652 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,428 total reads

 364,428 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,425 total reads

 480,425 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,925 total reads

 243,925 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top