Pangulong Marcos sa Labor Day: “Ang paggawa ay dakilang ambag sa kasaysayan ng ating bansa”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,804 total reads

Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawang Pilipino, na aniya’y hindi lamang nag-aangat sa sarili kundi nagsisilbing “dakilang ambag” sa kasaysayan ng bansa.

Ayon sa Pangulo, sa bawat araw na ang mga manggagawa ay kumakayod para sa kanilang sarili at pamilya, naroroon ang diwang handog na nagtataguyod sa ikabubuti ng nakararami.

“Ang paggawa ay hindi lamang pag-aangat sa sarili, kung hindi dakilang ambag sa kasaysayan ng ating bansa. Sa bawat araw na ang manggagawang Pilipino ay kumakayod para sa sarili at pamilya, naroroon ang diwang handog para sa ikabubuti ng higit na nakararami,” ani Pangulong Marcos sa kanyang pahayag.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, binigyang-diin ng Pangulo na ang Araw ng Paggawa ay isang pagkakataon hindi lamang upang magbigay-pugay sa mga manggagawa, kundi upang maglatag ng mga hakbang na magsusulong sa kanilang kapakanan. Ayon sa kanya, “Nararapat lamang na ang pagdiriwang na ito ay gawin nating pagkakataon upang bumuo ng mga kongkretong hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya, matiyak ang kaligtasan sa lugar ng trabaho, at mapangalagaan ang karapatang makamit ang magandang kinabukasan.”

Ipinaabot din ng Pangulo ang kahalagahan ng mga patakarang ipinatutupad ng kanyang administrasyon, na ayon sa kanya, ay “dapat sumasalamin sa paninindigang ang tunay na yaman ng bansa ay hindi nasusukat sa kita, kung hindi sa dangal ng taong nagsusumikap.”

Binigyan-diin ng Pangulo na sa mga manggagawa nakasalalay ang kaunlaran ng bansa, kaya’t patuloy ang mga proyekto ng gobyerno na magsusulong sa kanilang paglago at kasaganahan. Tiniyak niya sa mga manggagawa na hindi sila pababayaan ng pamahalaan, at patuloy ang pagkilala sa kanilang tunay na halaga at sakripisyo.

“Taimtim ang aming paninindigang kayo ay hindi pababayaan, bagkus ay higit pang itataguyod—hindi bilang tungkulin lamang, kung hindi bilang pasasalamat at pagkilala sa inyong tunay na halaga at sakripisyo.”

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,110 total reads

 11,110 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 27,175 total reads

 27,175 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 130,438 total reads

 130,438 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 170,996 total reads

 170,996 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 191,450 total reads

 191,450 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 239,222 total reads

 239,222 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 31,176 total reads

 31,176 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top