Panibagong DUI, kinundena ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,704 total views

Kinundina ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang panibagong kaso ng karahasan sa diyosesis partikular na sa Navotas City.

Eksaktong isang buwan makalipas na mapaslang ng Navotas City Police ang 17-taong gulang na si Jemboy Tolentino Baltazar dahil sa mistaken identity noong ikalawa ng Agosto, 2023 ay pinaslang naman ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang kaibigan nito na si Daniel Gaudia Soria, 20-taong gulang noong ikalawa ng Setyembre, 2023.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang pagkadismaya sa pagkakadagdag ni Soria sa mahabang listahan ng DUI o death under investigation sa bansa.

Ayon kay Bishop David maituturing na isang palaisipan kung kanino maaring tumakbo at humingi ng katarungan ang mga biktima ng karahasan sa lipunan kung wala namang nag-iimbestiga at kung ang mga dapat na nag-iimbestiga ay sila ding iniimbestigahan.

“ANOTHER DUI (“death under investigation“) Whom will the citizens run to when no investigation is being done by those who are supposed to do the investigating? Who will do the investigating when the supposed investigators are those who need to be investigated?” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Una ng inihayag ni Bishop David na sinasalamin ng mga patuloy na karahasang nagaganap sa lipunan ang culture of impunity na lumaganap noong nakalipas na administrasyong Duterte.

Iginiit ng Obispo na ang pagkitil sa buhay ng sinuman maging ng mga hinihinalang sangkot sa droga o anumang krimen sa lipunan ay mananatiling ilegal, imoral at isang malinaw na paglabag sa batas ng tao at batas ng Diyos.

Matatandaang una na ring nanawagan si Bishop David sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na gampanan ang kanilang mandato bilang alagad ng batas at tagapagtanggol ng mamamayan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,724 total views

 25,724 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,738 total views

 75,738 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,607 total views

 71,607 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,323 total views

 107,323 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,470 total views

 114,470 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top