Paniniil sa kalayaan ng mga Filipino, hindi na dapat maulit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 769 total reads

June 12, 2020-5:18pm

Hindi na dapat pang maulit ang kasaysayan nang paniniil ng kalayaan ng mga Filipino.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga Pari mula sa Bikaryato ng San Pedro at San Pablo Apostol ng sa Arkidiyosesis ng Maynila bilang pagsang-ayon sa iba’t ibang grupo at indibidwal na tumututol sa pagsasabatas ng Anti-terror bill.

“Mula sa ating kasaysayan makikita ang mga paglabag sa pagpapatupad ng mga batas nang mga nasa katungkulan. Ating suriin ang mga pangyayari sa ating nakaraan upang makita ang mga nasabing paglabag. Sapagkat ang demokrasya ay nangangailangan ng kamalayan,” ayon sa inilabas na pahayag na may petsang ika-9 ng Hunyo.

Ang bikaryato ay binubuo ng 17 kura paroko ng nasasakop na simbahan na pinamumunuan ni Msgr. Gerardo Santos-vicariate representative at parish Priest ng Sts. Peter and Paul.

Ayon pa sa pahayag ng mga pari, hindi napapanahon ang pagpasa ng batas lalu’t may mas higit na suliranin na kinakaharap ang bansa sa krisis na dulot ng pandemic novel coronavirus.

Ilan pa sa mga kadahilanan ng pagtutol ang hindi malinaw na probisyon na kinakailangan pa ng paglilinaw dahil sa maaring magamit sa pagmamalabis sa karapatang pantao.

Panawagan din ng mga pari sa pamahalaan na pakinggan ang panawagan ng publiko.

“Aming ipinagdarasal at ipinararating sa pamahalaan na bigyang tuon ang tumitinding panawagan ng publiko na huwag pahintulutang isuong ang bill na ito at nawa’y makagawa ng batas na tunay na magbibigay proteksyon at hindi ang paglala ng terorismo sa ating lipunan.”

Una na ring naglabas ng pahayag ang ilang institusyon at samahan ng simbahang Katolika sa pagtutol sa Anti-terror bill na una na ring pumasa sa kongreso at sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines, Catholic Educational Association of the Philippines, Church’s Workers Solidarity, Caritas Philippines at ilang Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kabilang na si Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 88,530 total reads

 88,530 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,560 total reads

 182,560 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,828 total reads

 226,828 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,937 total reads

 249,937 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,083 total reads

 321,083 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top