Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Para sa mga may kapansanan

SHARE THE TRUTH

 650 total views

Mga Kapanalig, kung pagmamasdan natin ang ating kapaligiran—ang mga kalsada, pasilidad, establisyimento, at pampublikong transportasyon—masasabi ba ninyong idinisenyo ang mga ito nang may pagsasaalang-alang sa mga persons with disability (o PWD)? Isang aspeto lamang ito sa ating lipunang nagpapahirap sa mga taong may kapansanan. Madalas din silang tinutukso at kinukutya ng ibang tao. Limitado rin ang mga trabahong angkop sa kanilang kakayanan. Kaya naman para sa kanila, lalo na ang mga mula sa mahihirap na pamilya, sana ay mas malaki ang serbisyong maaasahan mula sa pamahalaan.

Ayon sa pag-aaral ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) at ng United Nation’s Children’s Fund (o UNICEF), ang mga pamilyang may mga batang may kapansanan ay nangangailangan ng dagdag na gastos na 40% hanggang 80% kumpara sa gastos ng mga pamilyang walang miyembrong may kapansanan. Nasa 50% din ang poverty rate ng mga pamilyang may batang may kapansanan. May mga pribilehiyo at benepisyo mang nakukuha ang mga may kapansanan, hindi lahat ay nakatatanggap ng mga ito dahil isa lang sa limang batang may kapansanan ang may PWD ID card. Marami kasing nahihirapan sa prosesong kailangang pagdaanan upang magkaroon ng PWD ID card, lalo na para sa mga may pisikal na kapansanan at mga taong walang pambayad ng assessment fees na nagkakahalaga ng ₱20,000 hanggang ₱25,000. Dahil dito, hindi nila lubos na napakikinabangan ang mga pribilehiyo at benepisyong dapat nilang natatamasa.

Dagdag sa mga hamong kinahaharap ng mga batang may kapansanan at ng kanilang pamilya ang kakulangan ng mga serbisyo at ito ay nagiging hadlang sa pagpasok nila sa paaralan. Marami rin sa kanila ang hindi naipapakonsulta, naipapagamot, o nadadala sa mga therapy na kailangan nila. Marami ding walang pinansyal na kakayanang bumili ng mga tinatawag na assistive devices katulad ng hearing aid, wheelchair, at saklay. Hindi ito problema para sa mga pamilyang mayroong resources upang mabili ang pangangailangan ng mga batang PWD at upang makapagpatingin sa mga espesyalista. Hindi imposibleng sila rin ang unang nakikinabang sa mga subsidiyang nanggagaling sa gobyerno. Marami pang kailangan gawin ang pamahalaan at ang mga civil society organizations upang mapabuti ang buhay ng mga batang may kapansanan.

Paalala ni Pope Francis sa kanyang mensahe noong International Day of Disabled Persons ngayong taon, responsibilidad hindi lang ng pamahalaan kundi pati ng Simbahan ang pagtataguyod sa pagkilala sa dignidad ng bawat tao. Bahagi ito ng ating misyong ilapit si Hesus sa bawat tao, lalo na sa mga mahihina at naisasantabi katulad ng mga PWD. Dagdag ng Santo Papa, “Encounter and fraternity break down the walls of misunderstanding and overcome discrimination; this is why I trust that every Christian community will be open to the presence of our brothers and sisters with disabilities, and ensure that they are always welcomed and fully included.” Ganito rin ang mensahe ng Diyos sa mga namumuno sa Mga Awit 82:3-4: “Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao.” Malinaw na marami pang kailangan gawin upang maisulong ang dignidad ng mga PWD bilang mga tao at anak ng Diyos.

Mga Kapanalig, kailangang siguruhing naitataguyod ang mga karapatan at ang kagalingan ng mga taong may kapansanan. Mahalagang sila ay napakikinggan at nakokonsulta sa mga patakarang layong tiyakin ang kanilang kapakanan. Kaakibat nito ang pagpaparating sa kanila ng mga programa at serbisyong dapat nilang napakikinabangan bilang mga mamamayan ng bansa. Kung tayo ay may mga kakilalang PWD, sana ay maalalayan natin sila sa kanilang pagkamit ng kanilang mga karapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 13,836 total views

 13,836 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 27,896 total views

 27,896 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,467 total views

 46,467 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,406 total views

 71,406 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 13,837 total views

 13,837 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 27,897 total views

 27,897 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,468 total views

 46,468 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,407 total views

 71,407 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,373 total views

 70,373 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,071 total views

 94,071 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 102,783 total views

 102,783 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,414 total views

 106,414 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 108,970 total views

 108,970 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
Scroll to Top