Pasalamatan ang panginoon sa pagkahirang kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,744 total reads

Inaanyayahan ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston ang lahat na manalangin ng pagpapasalamat sa paggabay ng Banal na Espiritu sa mga cardinal electors na pumili sa ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Gaston na siya ring Correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican, mahalagang ipagpasalamat ang biyaya ng Panginoon sa buong Simbahan sa pamamagitan ng paggabay sa mga cardinal na pumili kay Cardinal Robert Francis Prevost, O.S.A. bilang bagong punong pastol ng Simbahan.

Nagpapasalamat rin ang Pari, sa pagbibigay ng Panginoon sa mga dating Santo Papa partikular na sa namayapang si Pope Francis na ganap na nagsilbing daluyan ng habag, awa, pagmamahal at presensya ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ipinapanalangin naman ni Fr. Gaston ang aktibong pakikibahagi at pakikipagtulungan ng lahat sa bagong Santo Papang si Pope Leo XIV sa pamamagitan ng pakikiisa sa pananalangin, paggawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat kami sa lahat ng mga biyaya at na ibinigay niyo sa amin, sa aming buhay at sa aming Simbahan lalong lalo na ang ating mga cardinal ang kanilang paghalal sa ating bagong Santo Padre si Pope Leo XIV. Nagpapasalamat kami sa lahat ng naibigay mo sa amin sa pamamagitan din ni Pope Francis at ang iba pang mga Santo Papa at nagpapasalamat kami ngayon palang sa lahat ng biyaya na ibibigay mo sa amin sa pamamagitan naman ni Pope Leo XIV, nawa’y kaming lahat din ay makisama sa kanya sa pagdasal at paggawa, sa pagdala ng iyong mensahe sa buong mundo.” Bahagi ng dalangin ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Umapela rin si Fr. Gaston na ipanalangin ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa bagong hirang na punong pastol ng Simbahan na magpapastol sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong daigdig.

Sa ikatlong pagkakataon ng pagpili ng mga cardinal electors sa ikalawang araw ng Papal Conclave ay nasilayan sa tuktok ng Sistine Chapel ang puting usok ganap na alas-sais otso ng gabi – ika-8 ng Mayo, 2025 sa Vatican na alas-dose otso ng hating gabi ng ika-9 ng Mayo, 2025 sa Pilipinas, na nangangahulugan na mayroon ng susunod na Santo Papa ang Simbahang Katolika.

Matapos ang tradisyonal na pag-aanunsyo sa Latin ng “Habemus Papam” na nangangahulugang ‘may Santo Papa na tayo’, ay lumabas sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica si Cardinal Robert Francis Prevost, O.S.A. na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV (the 14th)’.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,290 total reads

 19,290 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,417 total reads

 19,417 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 35,125 total reads

 35,125 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 91,531 total reads

 91,531 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 215,032 total reads

 215,032 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 298,696 total reads

 298,696 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top