Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pondo ng Pinoy foundation, nagpapasalamat sa Good Samaritans

SHARE THE TRUTH

 1,442 total views

Nagpapasalamat ang Pondo ng Pinoy sa mga Good Samaritan na patuloy sa pagkakaloob ng kanilang 25-sentimos na barya o tinatawag na “mumo”.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic, ipinagmalaki ni dating ambassador Henrietta de Villa, sub-committee chairman ng Pondo ng Pinoy community foundation na dahil sa kaloob na 25-sentimos ay nakapagpabigay sila ng cash donations sa programa ng Caritas Manila at iba’t-ibang arkidiyosesis at diyosesis para sa mga lubos na apektado ng pandemya.

Ang cash donations ay bukod pa sa mga ipinamimigay ng Pondo ng Pinoy na relief goods at face masks.

Ikinagagalak ni de Villa na ibahagi sa Radio Veritas na ang Pondo ng Pinoy ay “caught the imagination of the people” at nagdulot ng himala.

Ayon kay de Villa, dahil sa Pondo ng Pinoy ay nakaugalian na ang paglalaan ng “mumo” para magbigay ng pag-asa sa mga kapuspalad at isinasantabi sa lipunan.

“Ang pag-iipon ng 25-sentimos para sa Pondo ng Pinoy ay pinanggagalingan ng katuwaan, feeling of fulfillment. Caught the imagination of the people, kaya marami ang nagbabahagi. The habit become a virtue”. Pahayag ni de Villa

Sinabi ni de Villa na ang pakikibahagi sa Pondo ng Pinoy ay pagpapakita ng pagmamahal ng diyos at pagmamahal sa kapwa.

Tiniyak ni de Villa na ang Pondo ng Pinoy na itinatag noong 2004 ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales ay patuloy sa kanyang misyon na akayin ang mamamayan na magbalik loob sa Panginoon at buksan ang puso sa kapwa upang makabuo ng isang nagkakaisang sambayanan.

“Hangarin ng Pondo ng Pinoy na itaguyod ang pagbabago sa sarili para sa kabutihan ng iba. Tatlong P: pagtataguyod, pag-aaruga at pagmamalasakit sa kapwa”.pagbabahagi ni de Villa.

Nabuo at naitatag ang Pondo ng Pinoy sa pamamagitan ng motto at principle ni Cardinal Rosales na “Anumang magaling kahit maliit basta’t malimit ay patungong langit”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,357 total views

 10,357 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,457 total views

 18,457 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,424 total views

 36,424 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,742 total views

 65,742 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,319 total views

 86,319 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Economics
Arnel Pelaco

Netizens, dismayado sa Telco

 1,588 total views

 1,588 total views Kabi-kabila ang reklamo sa social media ng mga customer dahil sa hindi magandang serbisyo ng Dito Telecommunity Corporation, ang third telco sa bansa.

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 7,845 total views

 7,845 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top