bp oscar

Ipagdasal ang mga pinuno ng bansa at frontliners, panawagan ng Simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 332 total views

Hinimok ng pinuno ng Military Ordinariate of the Philippines ang mamamayan na ipagdasal ang kapwa at ang mga namumuno sa bansa lalo ngayong panahon ng krisis pangkalusugan.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, bukod sa sariling kaligtasan ay mahalagang ipagdasal din ang mga naglilingkod sa bayan at ang mga tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo’t higit ang mga frontliner na lantad sa panganib na mahawaan ng corona virus.

“Itong ating pagdarasal ay hindi lamang pagdarasal sa ating sarili, kundi pagdarasal sa buong bayan lalong lalo na sa ating frontliners, sa ating presidente, mga gabinete at Inter Agency Task Force; dapat dumulog tayo sa ating Ina sa Mahal na Birhen upang tayo ay mabasbasan, mabigyan ng liwanag at matuldukan na itong COVID-19 pandemic na ito,” panawagan ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia nitong ika – 20 ng Setyembre kung saan sa Manila ay matagumpay na nairaos sa kauna-unahang pagkakataon ang ‘PAGSUNGKO’ o motorcade ng Mahal na Ina.

Sinabi ni Bishop Florencio na nararapat ipanalangin ang mga pinuno ng bayan na nangangasiwa sa mga programang tumutugon sa pandemya.

Ang naturang gawain ay sa inisyatibo ng Most Holy Trinity Parish sa Balic Balic Manila sa pangunguna ni Rev. Fr. Enrico Martin Adoviso katuwang si Rev. Fr. Joebert Fernandez at mga Bicolanong pari at semianrista.

Inihayag naman ni Fr. Adoviso na ito rin ay pagbibigay pugay sa kilalang patron ng Bicol region subalit ipagdiriwang ito sa buong bansa sapagkat kilala ang Pilipinas na bayang namimintuho sa Mahal na Birhen o Pueblo Amante de Maria.

Dalangin ng pari sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia na maging matatag ang mga frontliners partikular sa medical sector.

“Ginawa ito para ipagdasal natin ang lahat ng mga namatay sa pandemic at lahat ng frontliners sa buong mundo na sana sila po ay maging matatag at maprotektahan,” pahayag ni Fr. Adoviso.

Binisita ng Mahal na Ina ang bikaryato ng Our Lady of Loreto na kinabibilangan ng walong parokya ang: Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto, Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish, Nuestra Señora de Salvacion Parish, Our Lady of Fatima Parish, Sacred Heart of Jesus Parish, Sanctuary of Saint Anthony of Padua, San Roque de Sampaloc Parish, Santisimo Rosario Parish at ang Most Holy Trinity Parish.

Binisita rin nito ang Manila City Hall kung saan malugod na sinalubong ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa panayam ng himpilan sa alkalde nagpasalamat ito sa pamunuan ng Most Holy Trinity sa inisyatibo na iikot ang Mahal na Ina.

Bagamat aminado si Mayor Domagoso na hindi napipigilan ang dagsa ng tao sa mga ganung uri ng okasyon ay naniniwala itong hindi pinababayaan ng Diyos ang bawat isang nanalig sa Kanya.

“Nanawagan tayo na I think even ang Diyos mauunawaan tayo na kilalanin natin ang Diyos nakita man natin o hindi patuloy tayong manalig na hindi nya tayo pababayaan; may Diyos sa pandemyang ito at patuloy lamang tayong manalig na someday somehow may awa ang Diyos makakaraos din tayo” pahayag ng alkalde.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 20,442 total views

 20,442 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 32,088 total views

 32,088 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 41,335 total views

 41,335 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 47,132 total views

 47,132 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 59,520 total views

 59,520 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Ika-75 taon ng pagkakatatag bilang diyosesis, ipagdiriwang ng Davao

 4,748 total views

 4,748 total views Inilunsad ng Archdiocese of Davao ang mga gawain sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkatatag bilang diyosesis. Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa sa San Pedro Cathedral sa paglunsad ng mga gawain nitong February 22 kasabay ng Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kabanalan ng simbahan, nararapat makikita sa mamamayan

 6,288 total views

 6,288 total views Iginiit ni Romblon Bishop Narciso Abellana na dapat makikita sa mamamayan ang kabanalan ng isang simbahan. Ito ang pahayag ng pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Pastoral Care of Migrants and Itinerant People sa ginanap na 28th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa canonical coronation ng Our Lady of Fatima

 7,806 total views

 7,806 total views Inaanyayahan ng National Shrine of Our Lady of Fatima ang mananampalataya sa canonical coronation sa makasaysayang imahe ng Our Lady of Fatima. Sa pahayag ng diyosesis makahulugan ang pagdiriwang sapagkat kasabay ito ng ika – 38 anibersaryo ng mapayapang EDSA People Power Revolution na hudyat ng pagtapos sa dalawang dekadang paninilbihan ni dating

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cebu, iginiit ang pag-aari sa natagpuang 19th century pulpit panels

 8,018 total views

 8,018 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cebu na muling makita ang apat na nawawalang 19th-century pulpit panels ng imahe ni Saint Augustine of Hippo ng Patrocinio de Maria Santisima Parish Church ng Boljoon Cebu. Sa pahayag ni Archbishop Jose Palma, iginiit nito ang pag-aari sa apat na pulpit panels na isang sagradong bagay ng simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa canonical coronation ng Nuestra Señora de Fatima

 8,306 total views

 8,306 total views Ikinagalak ng Diocese of Antipolo na ibahagi sa kristiyanong pamayanan ang biyaya ng pananampalatayang patuloy tinatamasa ng diyosesis. Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos makaraang aprubahan ng Santo Papa Francisco nitong February 14 ang canonical coronation sa imahe ng Nuestra Señora de Fatima na nakadambana sa Diocesan Shrine and Parish Church of

Read More »
Environment
Norman Dequia

Nakiisa sa environmental forum, pinasalamatan ni Bishop Uy

 10,490 total views

 10,490 total views Pinasalamatan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng sektor na nakiisa sa ikalawang environmental forum na ginanap sa Holy Name University sa Tagbilaran City. Ikinatuwa ng obispo ang pakiklahok ng mga sektor ng pamayanan lalo na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan lalo’t tema ng pagtitipon ang ‘Bridging the

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Cardinal Tagle sa pagtanggap ng Legion of Honor ng France: “An Affirmation of the mission of the whole Church called evangelization”

 12,068 total views

 12,068 total views Pagpapalakas sa misyon ng ebanghelisasyon at gawain sa buong simbahang katolika. Ito ang tugon ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization kasabay ng pagtanggap sa Order of Legion of Honor na iginawad ng France. Ayon kay Cardinal Tagle bagamat sinabi ng Pransya na ginawaran ito ng pinakamataas na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Catholic virtues, paiigtingin ng Pasig Catholic College

 12,106 total views

 12,106 total views Tiniyak ng Diocese of Pasig ang pagpapaigting sa paghuhubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon. Ito ang pahayag ni Bishop Mylo Hubert Vergara sa 111th founding anniversary ng Pasig Catholic College kung saan binibigyang diin ang pagpapatatag sa catholic education. “Ang commitment ng Diocese [Pasig] ay lalong patatagin yung Catholic

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Cardinal Tagle, ginawaran ng Order of Legion of Honour ng Pransya

 13,442 total views

 13,442 total views Ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng French Government si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-prefect ng Dicastery for Evangelization. Iginawad kay Cardinal Tagle ang Order of Legion of Honour sa pamamagitan ni French Ambassador to the Vatican Florence Mangin sa ngalan ni French President Emmanual Macron. Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2nd collection sa 6 na linggo ng kuwaresma, ilalaan ng RCAM sa Alay Kapwa programs

 14,827 total views

 14,827 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na suportahan ang Alay Kapwa 2024. Sa mensahe ng cardinal, binigyang diin na kasabay ng kuwaresma at paghahanda sa Paschal Triduum ay nararapat paigtingin din ng bawat isa ang habag at awa sa kapwa lalo’t higit sa nangangailangang sektor ng lipunan. Kinilala

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Lenten challenge 2024, inilunsad ng Archdiocese of Cebu

 14,856 total views

 14,856 total views Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Lenten Challenge 2024 na magsisilbing gabay sa mananampalataya sa paglalakbay ngayong kuwaresma. Layunin ng programa na higit lumago ang pananampalataya ng mamamayan gayundin ang pag-asa at pag-ibig na pinakabuod sa buong pagdiriwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Tampok sa “TO-DO Calendar for Lent” ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tulong sa mga nasaktan sa pagguho ng isang Bulacan church, tiniyak ng Diocese of Malolos

 28,508 total views

 28,508 total views Tiniyak ng Diocese of Malolos ang suporta at pagtulong sa pangangailangan ng mga biktima ng pagbagsak sa isang bahagi ng San Pedro Apostol Parish sa San Jose Del Monte, Bulacan. Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Dennis Villarojo bukod sa pananalangin ay nakipag-ugnayan na rin ito sa pamilya ng mga biktima. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Suriin ang ugnayan sa Panginoon, paalala ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya

 16,562 total views

 16,562 total views Pinaalalahanan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mananampalataya na napapanahong suriin ang ugnayan sa Diyos ngayong panahon ng kuwaresma. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng paghahanda sa Paschal Triduum ngayong February 14, ang Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday. Sinabi ni Bishop Ongtioco na mahalaga ang panahon ng kuwaresma kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na makiisa sa pagsisimula ng Kuwaresma

 17,742 total views

 17,742 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na makiisa sa pagsisimula sa 40 araw na paghahanda sa Paschal Triduum ng simbahan. Ito ang mensahe ng obispo sa Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday sa February 14 kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day. Inihayag ni Bishop Uy na magandang pagkakataon ang dalawang pagdiriwang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, hinikayat ng Papal Nuncio na makiisa sa Walk for Life 2024

 19,026 total views

 19,026 total views Hinikayat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas ang mamamayan na makiisa sa taunang Walk for Life sa inisyatibo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas. Ayon kay Papal Nuncio to the Philippiens Archbishop Charles Brown makahulugan ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang panahon na lantad sa panganib at iba’t ibang uri ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top