Makalikasang grupo, ikinatuwa ang “zero waste” sa mga sementeryo sa Todos Los Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,151 total reads

Ikinatuwa ng makakalikasang grupo ang pagsasara ng mga sementeryo sa bansa sa paggunita ng Todos Los Santos dahil sa patuloy na paglaganap ng krisis pangkalusugan dulot ng Coronavirus Pandemic.

Ito’y dahil mababawasan ang pagkalat ng mga basura na pangunahing problemang iniiwan ng mga tao pagkatapos dumalaw sa puntod ng mga yumao.

Ayon kay Living Laudato Si Philippines Executive Director Rodney Galicha, bukod sa pagiging ligtas sa pagkahawa sa virus ay maganda ang magiging epekto ng hakbang dahil marami ang mababawas na basura.

“Kapag wala tayo dun sa sementeryo, marami ‘yung mababawas na mga basura at karamihan naman doon siyempre ‘yung pinagbalutan ng ating pagkain, pinagbalutan ng kandila at marami pang iba.”, pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Galicha na bagama’t hindi pinapahintulutan ang pagdalaw sa mga puntod sa mismong Todos Los Santos ay mahalaga pa rin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon, at pag-aalay ng panalangin para sa mga kaluluwa at yumaong banal.

“Ang espiritu naman kasi nung ating pag-aalaala sa ating mga yumao, espiritu naman talaga ‘yun ng tunay na pakikipag-ugnayan sa Panginoon, ay ‘yung siyempre pagpapanalangin sa ikabubuti at ikakapayapa nung kanilang mga kaluluwa.”, ayon kay Galicha.

Noong 2018, aabot sa 8 truck ng basura ang nahakot mula sa Manila North Cemetery makaraang dumagsa ang nasa 1 milyong tao sa paggunita ng Undas o Todos Los Santos.

Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa 2-libong truck ng basura na may kapasidad na 20-tonelada ang nahahakot sa bansa araw-araw kung saan ang 450 dito ay mula sa Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 59,960 total reads

 59,960 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 142,986 total reads

 142,986 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 237,318 total reads

 237,318 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 299,003 total reads

 299,003 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 341,968 total reads

 341,968 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 211,780 total reads

 211,780 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top