10,129 total views
Umapela ng tulong at suporta ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa patuloy na isinasagawa nitong manual audit sa resulta ng nakalipas na 2025 Midterm National and Local Elections.
Partikular na nananawagan ng food donations ang PPCRV para sa mga volunteers nito na patuloy na nagsasagawa ng manual audit sa mga physical copy ng election returns noong nakalipas na halalan.
Pagbabahaagi ng PPCRV magpapatuloy ang isinasagawang manual audit sa resulta ng halalan hanggang sa ika-12 ng Hunyo, 2025.
Matatagpuan ang PPCRV Command Center ngayong taon sa PLDT Building sa Sampaloc, Manila.
Bukod sa food donations maaring din magpadala ng cash donations bilang pagpapakita ng suporta sa misyon ng PPCRV bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa katapatan, kaayusan at karangalan ng halalan.
PANAWAGAN NG PPCRV:
We are knocking on your doors and asking for help! CALLING FOR FOOD DONATIONS PLEASE! Our volunteers are still auditing the transmitted election returns until June 12. They are selflessly and heroically giving time and talent. Let’s help feed them please! Food donations are happily welcomed and much needed. Please send to PPCRV COMMAND CENTER, 2nd Floor of PLDT SAMPALOC OFFICE, España corner Macaraig St. Sampaloc, Manila. Thank you, thank you!
Cash donations are also happily Bank Name: BDO Unibank Inc.
Branch: BGC Inoza Tower
Account Name: Parish Pastoral Council for Responsible Voting
Account Number: 012 338002808
Please send the deposit slip to hello@ppcrv.org. Please indicate your name so that we can properly acknowledge and include in our prayers! Thank you!
Layunin ng isinasagawang Unofficial Parallel Count ng PPCRV na matiyak ang resulta at kredibilidad ng halalan sa pamamagitan ng pagbabantay at pagsusuri sa mga trasmitted results ng COMELEC.
Muli namang nagpasalamat ang pamunuan ng PPCRV sa determinasyon at pagsusumikap ng kanilang mga volunteers na tupdin ang kanilang misyon na bantayan ang kabuuang proseso ng halalan, kabilang na ang pagtiyak sa resulta ng halalan na layunin ng pagsasagawa ng manual audit at unofficial parallel count ng PPCRV sa transmitted result ng halalan.