453 total views
Nagpapasalamat ang Parish Pastoral Council For Responsible Voting sa mga PPCRV Volunteers ngayong 2025 midterm elections.
Tinawag ni PPCRV Spokesperson Ms.Ana De Villa-Singson na mga bayani ang PPCRV volunteers na naglingkod ngayong 2025 midterms elections.
Bukod sa pangunahing gawaing pagtulong sa mga botante na mahanap ang kanilang polling precincts at matukoy ang voting status, ay may mga PPCRV Volunteer na nagsilbing first aid responders at tinulungan ang mga senior citizens o persons with disabilities sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
“Sa aking paningin ang- naghahanap tayo ng huwarang tao na makabayani, yun po ang mga PPCRV Volunteers because makabayani po ang binibigay niyong serbisyo na wala naman po kayong hinihintay na kapalit na recognition or reward, ginagawa niyo lamang ito dahil sa pagmamahal for God and for the country, yun po ang pagiging bayani, napakabayani po ninyong lahat at talagang tumutulong po kayo para sa clean, honest act and meaningful elections,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Singson.
Tiwala din ang Opisyal ng PPCRV na nagsilbing mabuting ehemplo ang mga volunteer sa kanilang kapwa upang maisulong ang mabubuting hangarin at katangian na kinakailangang mamayani tuwing halalan.
“Yan po ang pagiging isang huwarang Pilipino, yan po ang taong may puso na tumitibok para sa mga Pinoy, so from all of us here in PPCRV National- proud na proud kami na naging makabalikat sa inyo na kasama ninyo sa pagiging isang volunteer, napakamalaking salamat po at hangang-hanga kami sa inyo, hats off,” bahagi pa ng mensahe ni Singson sa Radyo Veritas.
Sa Tala, umaabot sa 350-Thousand ang mga PPCRV Volunteers sa buong Pilipinas habang aabot nama sa hindi baba sa 14-libo ang mga volunteers na kaisa sa pagbibilang ng Unofficial Parallel Count ng mga Election Returns sa PPCRV Command Center sa Maynila.