Protect Verde Island Passage, nagpasaklolo sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,667 total views

Nagtungo ang grupong Protect Verde Island Passage sa House of Representative upang ipanawagan ang patuloy na suliranin sa nangyaring oil spill sa Mindoro tatlong buwan na ang nakakalipas.

Pinangunahan ni Protect VIP lead convenor, Calapan Social Action Director Fr. Edwin Gariguez ang pagkilos kasama ang mga residente at mangingisdang apektado ng pagtagas ng langis.

Ayon kay Fr. Gariguez, 90-araw na ang nakakalipas ngunit nasasayang lamang ang panahon ng pamahalaan sa pagtukoy sa tunay na may pananagutan sa insidente.

Nangangamba rin ang pari na mas lalong manganib ang mga likas na yaman ng VIP sa kakulangan ng pagtugon ng mga kumpanyang responsible sa sakuna.

“This national disaster has been going on for three long months, but we fear that it is still not being treated as one. While the government dilly-dallies in exacting accountability and justice, the damage to Verde Island Passage’s ecosystem and resulting impacts on stakeholders continue to worsen. Companies responsible for this must be punished.” pahayag ni Fr. Gariguez.

Iginiit ni Fr. Gariguez na dapat managot ang RDC Reield Marines Services (RDC) na may-ari ng barko at ang San Miguel Corporation (SMC) na may-ari naman ng langis dahil sa patuloy na panganib na dulot nito sa kalikasan.

Pebrero 28 ng kasalukuyang taon nang tumaob ang MT Princess Empress na naging sanhi ng patagas ng langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Matagal nang isinusulong ng simbahan ang Protect VIP campaign upang mapangalagaan ang Verde Island Passage mula sa mga proyekto tulad ng planong pagtatayo ng fossil fuel powerplants at liquified natural gas terminal.

Ang VIP ang tinaguriang “Center of the Center of Marine Shore fish Biodiversity” dahil dito matatagpuan ang nasa halos 60-porsyento ng iba’t ibang marine species sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,158 total views

 46,158 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,027 total views

 42,027 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,229 total views

 78,229 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,964 total views

 86,964 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,377 total views

 112,377 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top