Radio Veritas, nagbigay-pugay sa namayapang si Matutina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,526 total reads

Kinilala at pinasalamatan ng Radio Veritas ang komedyanteng si Matutina o Evelyn Bontogon-Guerrero sa pagiging bahagi nito sa himpilan noong taong 2005.

Sa pahayag ng himpilan batid nito ang malaking ambag ni Guerrero sa patuloy na paglawak ng naaabot ng pagsahimpapawid dahil sa kanyang dedikasyong magbahagi ng mga impormasyong kapupulutan ng aral at naghahatid ng aliw sa tagapakinig.

“We honor the life of Matutina, who shared her talent with our Kapanalig community in the early 2000s through her program, “Lady’s Choice.” Her dedication and support for the station, along with the laughter she brought to its audience, are deeply appreciated,” pahayag ng Radio Veritas.

Si Guerrero ay tanyag na radio talent bago ang kanyang iconic role sa ‘John En Marsha” sitcom’ at iba pang mga pelikula.

Pumanaw ang komedyante nitong February 14 makaraan ang halos isang dekadang pakikipaglaban sa chronic kidney disease kung saan sumailalim ito sa dialysis.

Nakiisa ang himpilan sa nagdadalamhating pamilya at tiniyak ang mga panalangin sa katatagan at kahinahunan ng puso ng mga naiwang kaanak.

“During these trying times, we stand in solidarity with her grieving family as we continue to pray for the eternal repose of Tita Matu, as we fondly called her, in our healing masses,” anila.

Bukod sa pagiging radio talent, dubbing director at artista si Guerrero ay nagsilbing barangay kagawad sa Barangay Pag-Asa, Quezon City mula 2007 hanggang 2010.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 113,321 total reads

 113,321 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 251,164 total reads

 251,164 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 366,940 total reads

 366,940 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 482,834 total reads

 482,834 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top