Responsableng quarrying sa Mayon volcano, panawagan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

Patuloy na nananawagan ang Diyosesis ng Legazpi laban sa pagsasagawa ng quarrying sa bahagi ng Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Bishop Joel Baylon matagal nang panawagan ng diyosesis sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mahigpit na panuntunan para sa ligtas at maayos na quarrying upang hindi maulit ang mga nagdaang sakuna na kumitil sa buhay ng maraming residente ng Albay.

“We continue to call for more responsible quarrying activities in the slopes of Mayon Volcano in order to avoid any future disasters when heavy rains come especially during typhoons,” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang nanawagan na rin ang Obispo noong 2020 kaugnay sa quarrying kung saan kanyang iminungkahing isagawa na lamang ito sa gullies o mga kanal sa paligid ng Bulkang Mayon dahil ito ang likas na dinadaluyan ng tubig at lahar.

Paliwanag ni Bishop Baylon na hindi masama ang quarrying kung nasusunod lamang nang wasto ang mga mahahalagang panuntunan sa pagsasagawa nito.

“Hindi po masama ang pag-quarry, kasi kailangan natin ang mga aggregates para sa paggawa ng mga kalsada, bahay, at iba pa. Kaya lang dapat sa tamang lugar mag-quarry at hindi ‘yung kahit saan lang naisin ng nagku-quarry,” ayon kay Bishop Baylon.

Taong 2020 nang manalasa ang Super Typhoon Rolly at nag-iwan ng matinding pinsala kung saan nabaon sa pinaghalong lahar at malalaking bato mula sa Mayon Volcano ang nasa 300 tahanan sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Kaugnay nito, patuloy din ang panawagan upang tuluyang mapahinto ang quarrying operation sa bahagi ng Masungi Georeserve at Upper Marikina Watershed sa Rizal.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta at lumagda sa sama-samang panawagan ang mga alkalde ng National Capital Region na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, at Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.

Mariing isinusulong ang pagpapatigil sa ilegal na gawain dahil sa pinsalang dulot nito sa kalikasan at buhay ng malalapit na komunidad na maaari pang lumala kapag dumating ang mga sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 36,235 total reads

 36,235 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 67,506 total reads

 67,506 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,221 total reads

 145,221 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 239,449 total reads

 239,449 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 298,568 total reads

 298,568 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,639 total reads

 72,639 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top