Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa ika-126 na Araw ng Kalayaan: Alalahanin ang sakripisyo, isabuhay ang diwa ng kasarinlan ng bansa

SHARE THE TRUTH

 1,375 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang ma Pilipino na alalahanin ang sakripisyo ng mga bayani at isabuhay ang diwa ng kasarinlan sa bansa.

Ito ang mensahe San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, chairman ng komisyon sa paggunita ng ika-126 na taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ayon sa Obispo, dapat malaman ng mga kabataan, at ng susunod na henerasyon ang mga naging sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang mapalayaa ang Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya noong 1898.

Gayundin, ang panghihimok ni Bishop Presto na ipananalangin at alalahanin ang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa.

“Binabalikan natin ang mga naging kontribusyon ng mga bayani natin, sila na nag-alay ng kanilang buhayu upang makamit ang ating kalayaan at gayundin ang marahil may kasama ang kababayan natin na sa pagnanais na pagkakaroon ng kasarinlan kanila ring ibinuwis ang kanilang buhay,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng Radyo Veritas.

Inaanyayahan din ng Obispo ang mamamayan na talimain at isabuhay ang tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon na italaga sa “Kalayaan, Kinabukasan, at Kasaysayan” na magkakaugnay sa pagtamasa ng Pilipinas ng kasarinlan na daang taong ipinaglaban.

Nawa ayon pa sa Obispo ay lagi ding alalahanin ng mga Pilipino na makipagtulungan at makiisa sa mga hakbang tungo sa patuloy na pag-unlad ng bansa at nang kanilang kapwa.

Pinaalalahanan naman ni Speaker Martin Romualdez ang mga Filipino na bahagi ng tinatamasang kalayaan at kasarinlan ay ang tungkulin sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng makatarungang lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Romualdez sa paggunita ng bansa ng ika-126 na Araw ng Kalayaan na ginanap sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, kung saan isinilang ang unang demokratikong republika sa Asya.

Sinabi ng pinuno ng Kamara na ang pagdiriwang ay hindi lamang paggunita sa kabayanihan ng mga Filipino, kundi ang pagtanggap din sa hamon na kanilang iniwan ang tungkulin na ipagpatuloy at mapanatili ang kalayaan laban sa mga mananakop, gayundin ang paglaban sa kahirapan, at kawalang katarungan.

“Ang kalayaan ay hindi lamang isang pribilehiyo kundi isang responsibilidad. Tayo, bilang mga Pilipino sa makabagong panahon, ay may tungkuling ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan—hindi lamang laban sa mga mananakop, kundi laban sa kahirapan, katiwalian, at kawalan ng katarungan,” ayon kay Romualdez.

Ang Araw ng Kalayaan ay taunang ipinagdiriwang ng Pilipinas tuwing June 12, bilang paggunita sa deklarasyon ng kasarinlan ng bansa mula sa Espanya noong 1898 at nagsimulang ipagdiwang bilang National Holiday noong 1978.

with Marian Pulgo

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 32,653 total views

 32,653 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 49,750 total views

 49,750 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 63,982 total views

 63,982 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 79,783 total views

 79,783 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 98,282 total views

 98,282 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 10,422 total views

 10,422 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

One Godly Vote-CARE, inilunsad

 9,960 total views

 9,960 total views Inilunsad ng Radyo Veritas ang One Godly Vote – Catholic Advocates for Responsible Electorate campaign sa EDSA Shrine, Quezon City. Layunin nitong bigyan

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top