Saint Joseph Cathedral sa Abu Dhabi, magsasagawa ng face-to-face Simbang Gabi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,927 total reads

Makaraan ang mahabang panahon ng pandemya, maari ng magtungo sa parokya ang mananampalataya para magsimba bilang paghahanda sa nalalapit na Pasko ng Pagsilang sa Abu Dhabi.

Inaanyayahan ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang mananampalataya na makiisa sa mga misa lalo’t muli nang magbubukas ang Saint Joseph Cathedral.

Ayon kay AVOSA Vicar General Fr. Troy Delos Santos, OFM Cap. muling bubuksan sa Abu Dhabi ang pisikal na pagdiriwang ng simbang gabi sa Disyembre bilang paghahanda sa pasko ng pagsilang ng Panginoon.

“Ang Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ay malugod na nag-aanyaya para sa ating Simbang Gabi 2022 in St. Joseph Cathedral Abu Dhabi sa December 15 hanggang 23 na tuwing ikawalo ng gabi.” bahagi ng pahayag ni Fr. Delos Santos sa Radio Veritas.

Matatandaang dalawang taong ipinagpaliban ang pampublikong pagdiriwang ng Pilipinong tradisyon sa Middle East dahil sa pag-iral ng pandemya kung saan mahigpit na ipinagbawal ang mass gatherings upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Hiling ni Fr. Delos Santos na gawing makabuluhan ng mananampalataya ang pagkakataong makadalo sa mga parokya sa simbang gabi bilang paghahanda sa sarili sa pagdating ng manunubos.

Paalala ng opisyal ng AVOSA sa mananampalataya ang ibayong pag-iingat sapagkat nanatiling banta sa mundo ang COVID-19 lalo’t nagkaroon ng iba’t ibang variant ang virus.

“Paalala lamang sa ating mananampalataya bagamat face-to-face na ang ating simbang gabi, patuloy pong ipinatutupad ang safety protocol sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask. Kaya naman mga minamahal kong kapatid kita-kita po tayo sa ating simbang gabi at sama-sama po nating salubungin ang pagsilang ng ating Panginoong Hesus.” ani Fr. Delos Santos.

Sa isang pahayag noon ng simbahan sa Middle East ang St. Joseph Cathedral sa Abu Dhabi ay may humigit kkumulang 100, 000 parishioners na mga migrante na karamihan ay mga Pilipino.

Ibinahagi naman ni Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi Media Director Rommel Pangilinan na nagagalak ang mga OFW sa Middle East na muling makadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi.

Aniya bagamat isasagawa na itong face-to-face maari pa ring masubaybayan sa official facebook page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ang mga pagdiriwang para sa ibang Pilipino na hindi makadadalo ng personal sa simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 53,079 total reads

 53,079 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 89,763 total reads

 89,763 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 125,062 total reads

 125,062 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,332 total reads

 351,332 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 241,732 total reads

 241,732 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top