Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,199 total reads

Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas.

Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito, hindi lamang sa kapaligiran kundi, higit sa mga apektadong buhay at mga nasawi.

Gayunman, sinabi ng obispo na ang paggunita sa madilim na karanasang ito’y hindi lamang tungkol sa pag-alala sa mga pagsubok, kundi isang pagdiriwang at pagpapasalamat sa katatagan at pagkakaisa ng komunidad bilang sambayanan ng Diyos.

“In the aftermath of devastation, we witnessed the remarkable power of hope and love. Countless hands reached out to support one another, and together we rebuilt lives and restored our beloved community. I am profoundly grateful for the blessings of healing and renewal that have emerged from our shared struggles, and I encourage each of you to give thanks for the strength we have found in one another,” ayon kay Bishop Varquez.

Hinamon naman ni Bishop Varquez ang lahat na palalimin ang paninindigan para sa pangangalaga sa kalikasan at pagtutol laban sa mga mapaminsalang pag-unlad tulad ng pagmimina.

Umapela ang obispo sa mga nasa katungkulan na muling pag-isipan at itigil ang pagmimina sa mga isla ng Homonhon at Manicani sa Guiuan, Eastern Samar, dahil sa banta nito sa mga likas na yaman at kabuhayan ng mga apektadong pamayanan.

“I urge our leaders to reconsider and stop the mining operations in the Islands of Homonhon and Manicani, which threaten our natural resources and the livelihoods of our people. Together, let us advocate for a sustainable future that honors our God-given land,” apela ni Bishop Varquez.

Nauna nang nanawagan ang Alyansa Tigil Mina sa pamahalaan na ihinto na ang pagmimina sa bansa dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakuna sa Pilipinas.

Magugunita noong November 8, 2013 nang nanalasa ang Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas at mga karatig na lalawigan, na kumitil ng mahigit 6,000 buhay, at humigit-kumulang 16-milyon naman ang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 8,016 total reads

 8,016 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 236,511 total reads

 236,511 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 129,977 total reads

 129,977 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 224,006 total reads

 224,006 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 267,963 total reads

 267,963 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,953 total reads

 148,953 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top