Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

SHARE THE TRUTH

 15,249 total views

Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance.

Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula sa World Union of Catholic Teachers (WUCT) na magbabahagi ng kanilang mga kaalaman at pagninilay kaugnay sa temang “Education and Leadership: Keys to Good Governance, Hope and Joy”.

Isasagaw ang international webinar sa ika-14 ng Setyembre, 2024 ganap na alas-tres ng hapon oras sa Pilipinas kung saan dalawa sa magbabahagi ng kaalaman ay Pilipino sa pangunguna ni Prof. Cheryl Peralta, DrPH – Vice Rector for Academic Affairs ng University of Santo Tomas at Bro. Francisco Xavier Padilla, Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

“On September 14, 2024, Saturday, at 3:00 pm (1500 hrs.Manila) , the Catholic Teachers’ Guild of the Philippines,(CTGP), Member, Union Mondiale des Enseignants Catholiques (UMEC)- World Union of Catholic Teachers (WUCT), will hold an international webinar on the theme, “ Education and Leadership: Keys to Good Governance, Hope and Joy.”

This significant event is done in association with the Sangguniang Laiko ng Pilipinas. Among the Guest Speakers is our very own President of Sangguniang Laiko, Bro. Francisco Xavier S. Padilla.” Bahagi ng paanyaya ni Prof. Tangco.

Ayon kay Prof. Tangco, ang gawain ay bahagi rin ng paghahanda para sa 2025 Jubilee Year of the Church as Pilgrims of Hope. 

“This webinar is held in consonance with the celebration of the Jubilee Year of the Church as Pilgrims of Hope.” Dagdag pa ni Prof. Tangco.Katuwang ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) sa pagsasakatuparan ng webinar ang Member, Union Mondiale des Enseignants Catholiques (UMEC)- World Union of Catholic Teachers (WUCT) gayundin ang National Council of the Laity Philippines o Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Para sa mga nais na makibahagi sa nakatakdang international webinar ay makipag-ugnayan lamang sa LAIKO Secretariat sa pamamagitan ng official Facebook page ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 55,309 total views

 55,309 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 77,085 total views

 77,085 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 100,986 total views

 100,986 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 208,500 total views

 208,500 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 232,183 total views

 232,183 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ng PHIVOLCS

 21,991 total views

 21,991 total views Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na hindi beripikadong impormasyon. Ayon

Read More »
Scroll to Top