San Jose nakahandang tumulong sa mga may pinagdadaanang krisis sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,546 total views

Inihayag ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones na nakahandang tumulong si San Jose sa mananampalataya lalo na sa mga may pinagdadaanan.

Ito ang pagninilay ng obispo sa kapistahan ng National Shrine of St. Joseph sa Mandaue City Cebu nitong May 8.

Sinabi ni Bishop Billones na ipinagkatiwala ng Panginoon sa pagkakandili ni San Jose bilang Ama ang pangangalaga sa kawan.
Batid ng obispo na maraming kinakaharap ang tao sa paglalakbay ng buhay lalo na sa kasalukuyang panahon.

“Snr. San Jose is entrusted with the mission to be our foster father. He will run to our side when we are tempted to help us be strong and overcome them. He will run to our side to empower and and inspire us. He will run to our side to help us finish our mission and what we need to do when we are at the point of giving up,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Billones.

Saad ni Bishop Billones na tulad ng pagtugon ni San Jose sa tawag ng Panginoon na maging ama ni Hesus sa sanlibutan ay tinutugunan din nito ang hamong kalingain ang sangkatauhan tungo sa landas ni Hesus.

Ang obispo ang kasalukuyang Team Ministry Moderator sa Pambansang Dambana ni San Jose sa Cebu City kung saan patuloy nitong pinalalago ang debosyon kay San Jose para sa mga ama at manggagawang nagsusumikap para sa kanilang mga pamilya.

Noong 1870 ay itinalaga ni Blessed Pius IX si San Jose bilang patron ng Universal Church kung saan noong 2020 hanggang 2021 ay ipinagdiwang ng simbahang katolika ang ika – 150 anibersaryo ng deklarasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 26,298 total views

 26,298 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 76,312 total views

 76,312 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 72,181 total views

 72,181 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,880 total views

 107,880 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,986 total views

 114,986 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top