Santa Maria Magdalena, kaagapay sa kadiliman sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Ngayong palaging makulimlim 
ating panahon, ulan ay bumubuhos
katulad ng unos at kadilimang
bumabalot sa buhay ng karamihan,
kay gandang paglimi-limihan
at dasalan tagpo sa libingan ni Jesus
nang ito'y puntahan ng mga kababaihan
sa pangunguna ni Maria Magdalena
noong Siya ay muling nabuhay.

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na batong panakip sa pinto ng libingan. Si Maria’y nakatayong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng ng bangkay ni Jesus, and isa’y sa gawing ulunan at ang isa nama’y sa paanan. Lumingon siya… at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon.

Juan 20:1, 11-12, 14

Larawan mula sa GettyImages/iStockphoto.com.
Maraming pagkakataon
kapag labis ang aming hapis
Panginoon, ika'y hindi namin
nakikilala gayong katabi ka namin pala!
Katulad ni Santa Maria Magdalena marahil
ay mugto aming mga mata sa pagtangis
at dalamhati sa pagpanaw ng mahal
namin sa buhay o dili kaya habang 
nagbabantay sa naghihingalong mahal sa buhay.
Hindi ka rin namin makilala, Panginoon
katulad ni Santa Maria Magdalena
sa tuwina kami'y nagbabata ng hirap
at sakit dahil mahigpit aming kapit,
pilit ibinabalik nagbabaka-sakaling
mapanatili mga nagisnang gawi,
pakikipag-ugnayan sa pumanaw naming
mahal o sa nag-aagaw buhay na tiyak
kami'y iiwanan nang lubusan.

Tinanong siya ni Jesus, “Bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Akala ni Maria’y siya ang tagapag-alaga ng halamanan, kaya’t sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko. “Maria!” ani Jesus. Humarap siya at kanyang sinabi, “Raboni!” – ibig sabihi’y “Guro.” “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama,” wika ni Jesus. “Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Diyos at inyong Diyos.” Kaya’t si Maria Magdalena’s pumunta sa mga alagad at sinabi, “Nakita ko ang Panginoon!” At tuloy sinabi sa kanila ang bilin ni Jesus.

Juan 20:15-18

Larawan kuha ng may-akda,pagbubukang-liwayway sa Camp John Hay, Baguio City, Nobyembre 2018.
Panginoon, kami ay tulungan
kung maari tawagin din sa pangalan
upang ikaw aming makilala at 
maranasan sa piling namin
kung kami'y nabibigatan at
nadidiliman dahil iyong dahilan
sa pagparito ay upang kami ay samahan
pagaanin mga pasananin at hanguin 
tungo sa bagong buhay kaloob mo sa tanan.
Nawa katulad ni Santa Maria Magdalena
ikaw ay lubusan naming makilala
upang sa amin mabanaagan sinag ng
iyong galak at katuwaan, mga palatandaang
tunay ngang ikaw ay aming nakita,
maihayag sa salita at gawa Iyong mga
habilin huwag matakot sa dilim,
krus ay palaging pasanin,
yakapin kamatayan upang ika'y makapiling.
Santa Maria Magdalena
kay Jesus kami ay ipanalangin
kasamaan tuluyan na naming lisanin
kabutihan pawang aming gawin;
mga pumanaw naming mahal sa buhay
ipanalangin mo rin, Diyos ay sapitin
habang mga naghihingalo sa amin
loob ay palakasin, buhay na sasapitin
walang kahulirip at maliw!  Amen.
Larawan kuha ng may-akda, Jerusalem, 2017.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 122,967 total reads

 122,967 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 157,645 total reads

 157,645 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,708 total reads

 179,708 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 216,194 total reads

 216,194 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 226,844 total reads

 226,844 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Only Jesus, always Jesus

 14,064 total reads

 14,064 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August

Read More »

“Seduced” by God

 13,141 total reads

 13,141 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Second Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 30 August 2026

Read More »

Wise to be a fool for Christ

 14,068 total reads

 14,068 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 28 August

Read More »

Mothers enriched in every way

 14,912 total reads

 14,912 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 27 August

Read More »
Scroll to Top