Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sentire cum Ecclesia – pakikidama sa buhay na simbahan

SHARE THE TRUTH

 11,255 total views

Ito ang napiling Episcopal motto ng ikalimang obispo ng Prelatura ng Infanta, si Bishop Dave Dean Capucao.

Hango ito sa adhikaing pastoral ng ikalawang obispo ng prelatura, Bishop Julio Labayen, Jr., OCD, na nagsulong ng tunay na Simbahang “Church of the Poor”—bilang pakikiisa at pakikibahagi sa buhay ng mga dukha.

Inspirasyon din ni Bishop Capucao si San Oscar Romero ng El Salvador, na pinili ang parehong motto bilang tanda ng paglilingkod sa mga inaapi, sa diwa ng sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos.

Sa ordinasyon at pagluluklok kay Bishop Capucao, binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, sa kanyang pagninilay na ang episcopal motto ng bagong obispo ay hindi lamang pakikiisa sa Simbahan bilang institusyon, kundi pakikiisa mismo kay Kristo.

“Kung ang Simbahan ay Katawan ni Kristo, gaya ng turo ni San Pablo, ibig sabihin ang Sentire cum ecclesia ay sabay na Sentire cum Christo—to think to feel with Christ, to love with the love of Christ Himself… Kung anong iniisip, nararamdaman, at minamahal
ni Kristo—iyon din ang ating isipin, damhin, at mahalin,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Paliwanag pa ng kardinal, ang pagiging tunay na pastol ay nakaugat sa pagpapakumbaba at pagbubuhos ng sarili, o kenosis, tulad ng ginawa ni Kristo.

Iginiit din ni Cardinal David ang pamana nina Bishop Labayan at San Oscar Romero, na kapwa nag-alay ng buhay para sa mga dukha at inaapi.

Tagubilin naman ng kardinal kay Bishop Capucao ang pagiging mabuting pastol na mapagpakumbaba at nakikibahagi sa buhay na Simbahan.

“Ang pinakamahalagang aspeto ng pagiging obispo ay acompañamiento—ang apostolado ng pag-aantabay. Kakaibang klase ng pamumuno: hindi mo pinangungunahan ang pamayanan, hindi dumidikta kundi nakikipagkaisang-puso, nakikiramdam, nakikinig, nakikilakbay, nakikibahagi sa lakad ng bayan,” ayon kay Cardinal David.

Nagsilbing principal consecrator ni Bishop Capucao si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, habang co-consecrators naman sina Infanta Bishop-emeritus Bernardino Cortez at Caceres Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona, OCD.

Dumalo rin sa pagtatalaga ang ilang obispo mula sa Pilipinas, maging mula sa Diocese of Hiroshima, Japan at Busan, South Korea, kasama ang mga pari, madre, at mananampalataya ng prelatura, karatig-diyosesis, at mga kongregasyon.

Si Bishop Capucao ang kauna-unahang Pilipinong hinirang na obispo ni Pope Leo XIV noong May 16, 2025, bilang kahalili ni Bishop Cortez na nagretiro sa edad na 75.

Magpapastol ang bagong obispo sa humigit-kumulang 400,000 Katoliko mula sa 19 na parokya sa Northern Quezon at Aurora, katuwang ang mahigit 60 pari ng prelatura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ROBS TO RICHES

 30,623 total views

 30,623 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 45,929 total views

 45,929 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Mga biktima ng digmaan

 60,463 total views

 60,463 total views Mga Kapanalig, hanggang kailan pa magdurusa ang mga inosente sa nagpapatuloy pa ring digmaan sa Gaza? Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang

Read More »

Katiwalian at media

 71,426 total views

 71,426 total views Mga Kapanalig, nandidiri ba kayo sa korapsyon? Dapat lang. “Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon,” sabi nga ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa

Read More »

Budget and spend responsibly

 83,290 total views

 83,290 total views Mga Kapanalig, “ber months” na!  Para sa ilan sa atin, ang unang araw ng Setyembre ay hudyat na papalapít na ang Kapaskuhan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Human trafficking, lalabanan ng CBCP-ECMI

 22,874 total views

 22,874 total views Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtutok

Read More »

RELATED ARTICLES

Paggalang, pagsasaayos, at pagtugon

 15,750 total views

 15,750 total views Ito ang hamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon. Binigyang-diin

Read More »
Scroll to Top