Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Servant leadership,mahalagang katangian sa pamumuno

SHARE THE TRUTH

 856 total views

Mahalaga ang diwa ng Servant Leadership para sa pamumuno ng tapat ng mga opisyal hindi lamang ng pamahalaan kundi maging sa iba’t ibang larangan sa lipunan.

Ito ang ibinahagi Rev. Fr. Anton CT Pascual – Pangulo ng Veritas, Executive Director ng Caritas Manila at Spiritual Director ng Serviam Cathilic Charismatic Community Foundation Inc. kaugnay sa biyaya at grasya na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

Paliwanag ng Pari, ang anumang biyaya ng Diyos mula sa mga likhang produkto at mga serbisyo ay dapat na mapakinabangan ng lahat sa pamamagitan ng tamang distribusyon upang walang maisantabing sektor ng lipunan.

“anumang ating hanapbuhay o livelihood ito po ay grasya ng Panginoon, ang sabi nga sa Catholic Social Teaching, merong universal destination of goods ang lahat ng ito ay hindi para sa ating lang ang lahat ng ito ay para sa kapakinabangan ng lahat kaya’t dapat walang mahirap walang nangangailangan, sapagkat ang mga produkto at serbisyo ng ating mga negosyo at mga hanapbuhay ay para sa kabutihan ng lahat at hindi sa pagkasira ng tao o ng kalikasan dapat ito ay upang mapanatili na magpatalino sa ating, magpalusog, magpalakas sa ating henerasyon at sa susunod pa kaya’t mahalaga ang diwa ng Servant Leadership sa lahat ng ating mga ginagawa bilang mga namumuno…” pahayag ni Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Unang inihayag ng Pari na ang mga negosyante o mga businessmen at mga business leaders ay maituturing na mga katuwang ng Panginoon sa pagbabahagi ng kanyang mga biyaya sa mga mamamayan.

Matatandaang bago matapos ang taong 2017 ay lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Station na tumaas pa ang bilang ng mga nagsasabing sila ay mahirap sa 47-porsyento o katumbas ng 11-milyong Pilipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 21,912 total views

 21,912 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 35,972 total views

 35,972 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 54,543 total views

 54,543 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 79,243 total views

 79,243 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567