Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sexual Harassment at Online Bullying

SHARE THE TRUTH

 373 total views

Isa sa mga nakaka-gulat na phenomenon ngayon o pangyayari sa ating modernong buhay ay ang pagdami ng mga insidente ng pambabastos at pagyurak sa pagkatao ng ating mga kababaihan sa social media.

Ang social media universe ay tila hindi na ligtas na mundo para sa mga kababaihan. Dito, nabubusulan ang tao, lalo na ang kababaihan, sa pamamagitan ng salita at banta na  hindi kayang sabihin ng karamihan sa ‘totoong’ buhay.

Noong 2014, may isang pag-aaral na ginawa ang Demos, isang research and policy organization sa United Kingdom.  Nakita ng kanilang “Misogyny on Twitter”  na sa pagitan ng December 26, 2013 at February 9, 2014, umabot ng anim na milyong beses ang pag-gamit ng mga salitang ingles na “slut” o “whore” sa Twitter.  Bente porsyento ng mga nakita nilang insidente ng pag-gamit ng mga salitang ito ay nagbabanta ng karahasan.  Kapanalig, walang pang dalawang buwan ang sakop ng pag-aaral na ito, at sa twitter lamang, hindi pa kasama ang facebook at iba pang social media apps.  

Ang nakakagulat din sa mga nakita ng report na ito, sa buong mundo, mahigit pa sa 200,000 agresibong tweets ang inilaan para sa mga 80,000 katao mula Disyembre 26 2013 hanggang February 9, 2014. Sobra pa sa kalahati ng mga nag-akda ng mga nagbabantang tweets na ito ay babae rin.

Kapanalig, nitong nakaraang araw, nakita muli natin ang ganitong pangyayari sa ating bansa. Nakita rin natin na ang pambabastos sa babae online ay hindi lamang tumatarget sa mga celebrities at political personalities. Kahit mga ordinaryong mamamayan, gaya ng mga estudyante, ay target din ng mga online bullies. Anong mga paraan ang dapat bang gawin ng mga mamamayan upang matigil na ito?

Ang impact ng online sexual harassment at cyber-bullying kapanalig, ay matindi. Marami na sa buong mundo ang tinulak nito sa depression, at sa suicide din. Walang ligtas kapanalig, at tila walang lunas, para sa mga biktima, ang pagiging biktima ng nakalalasong “hate” posts sa social media. Kahit pa burahin ang mga posts na ito, isang screen capture lamang, habang buhay na maari itong umiikot sa Internet. At kay hirap itong pigilin.

Ang kalayaan sa pamamayahag ay may kaakibat na responsibilidad. Tila nakakalimutan ito ng maraming mga online cyber bullies, na biglaang nagkaroon ng lakas ng loob na mang-api ng iba sa likod ng kanilang mga computer at gadget screens. Dapat sila ay ma-expose at dalhin sa hustisya.

Ang Justice in the World mula sa World Synod of Catholic Bishops noong 1971 ay may pahayag na akma sa ating sitwasyon ngayon. Nawa’y bigyan tayo nito ng inspirasyon upang kumilos laban sa kabastusan at pang-aapi sa social media: Ang pagkilos upang mapalaganap ang katarungan at “social transformation” ay bahagi ng ating obligasyon ng pagpapalaganap at pagsasabuhay ng Mabuting Balita ni Kristo. Kapanalig, ang paglaban sa misogynistic posts ay isang “act of love.” Ito ay paglaban sa lahat ng pagkamuhi at “hate” na laganap na sa social media.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,701 total views

 15,701 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,801 total views

 23,801 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,768 total views

 41,768 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,000 total views

 71,000 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,577 total views

 91,577 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,702 total views

 15,702 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 23,802 total views

 23,802 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,769 total views

 41,769 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,001 total views

 71,001 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 91,578 total views

 91,578 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,787 total views

 85,787 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,568 total views

 96,568 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,624 total views

 107,624 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,486 total views

 71,486 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,915 total views

 59,915 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,137 total views

 60,137 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,839 total views

 52,839 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,384 total views

 88,384 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,260 total views

 97,260 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,338 total views

 108,338 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top