Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, pinagkalooban ng Golden Rose ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 26,531 total views

Pinagkalooban ng Papa Francisco ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ng Golden Rose o Rosa d’ Oro, ang pinakamataas na pagkilala ng santo papa sa isang Marian image o shrine.

Ito ang isa sa maraming pagkilala na ipinagkaloob ng Vatican sa Diocese of Antipolo kasunod ng pormal na pagdeklarang international shrine noong Enero.

“The Golden Rose is considered as the highest honor given personally by the Supreme Pontiff to a Marian image and shrine across the world as it is a commissioned gift from the Pope himself,” pahayag ng Antipolo Cathedral.

Sa pahayag ng Antipolo Cathedral ito ang kauna-unahang papal award na ipinagkaloob ng santo papa sa Marian shrine ng Pilipinas at buong Asya.

Matatandaang sa paninilbihan ni Pope Pius XII nag-alay ito ng Golden Rose sa himlayan ni St. Francis Xavier sa Se Cathedral na nagsilbing kauna-unahang simbahan sa Asya na pinagkalooban ng santo papa habang si Pope Paul VI naman ay nagkaloob ng papal award sa Church of Nativity in Bethlehem na sinundan ng kilalang Marian Shrines sa mundo.

“Thus, this gift to Antipolo is the first time that a Marian shrine in the Philippines and in the whole continent of Asia that has been given this honor,” anila.

Dahil sa paggawad ng Golden Rose sa mga dambana ang Antipolo Cathedral ang ikatlong simbahan sa Asya na nakatanggap nito at pang 43 sa buong daigdig.

Personal na inalay ni Archbishop Salvatore “Rino” Fisichella, Pro-Prefect ng Section on Fundamental Questions regarding Evangelization in the World ng Dicastery for Evangelization ang Golden Rose sa paanan ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa misa pasasalamat na ginanap sa Antipolo Cathedral nitong February 26.

Ang rosas na gawa sa purong ginto ay sinimulan pa noong Middle Ages at binasbasan ng santo papa tuwing Laetare Sunday o ikaapat na Linggo ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pag-insenso sa balsam at musk at inilalagak sa gitna ng rosas na susundan ng pagbabasbas ng banal na tubig.

Maaring makatanggap ng mahigit sa isang beses ng Golden Rose ang isang dambana ngunit sa magkakaibang santo papa tulad ng Papal Basilica of Santa Maria Maggiore kung saan pinagkalooban ito nu Pope Francis ng Rosa d’ Oro noong December 8, 2023 ang ikatlong beses na paggawad sa dambana sapagkat pinagkalooban din ito ni Pope Julius III noong 1551 at Pope Paul V ng 1613.

Ito na rin ang ikasiyam na pagkakataong nagkaloob si Pope Francis ng Golden Rose sa Marian Shrines mula nang manilbihang santo papa noong 2013.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 43,324 total views

 43,324 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,805 total views

 80,805 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,800 total views

 112,800 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,538 total views

 157,538 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,484 total views

 180,484 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,720 total views

 7,720 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,279 total views

 18,279 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top