2,123 total views
Itinakda ng iba’t ibang samahan sa pangunguna ng mga grupo ng simbahan ang malawakang pagkilos laban sa katiwalian sa September 21, kasabay ng paggunita sa ika-53 taon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na gaganapin sa Edsa People Power Monument.
Layunin ng panawagan ang pananagutan sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, particular ang iniimbestigahan ng Kongreso kaugnay sa bilyon-bilyong pisong pondo na nasayang dahil sa ‘ghost at substandard flood-control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan kabilang sa mga isinasangkot ang ilang opisyal ng gobyerno mga kongresista, senador at mga contractors.
Ang panawagan ng pagkilos na kumakalat ang paanyaya sa social media ay pamumunuan ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na binubuo ng iba’t ibang faith-based communities at advocacy groups sa buong bansa.
SAWA NA ANG TAUMBAYAN SA KATIWALIAN AT KAWALANG PANANAGUTAN
Ito naman ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP- Permanent Committee on Public Affairs sa kabi-kabilang protesta ng mamamayan kaugnay sa talamak na katiwalian sa bansa.
“Every Filipino has a right to express his/her sentiments on issues affecting our country. The rally shows that people are disgusted and fed-up with corruption and impunity,” ayon sa pahayag ni Fr. Secillano sa Radyo Veritas.
Iginiit ni Fr. Secillano na ang mga kilos-protesta ay malinaw na nagpapakita ng pagkadismaya ng publiko sa umiiral na sitwasyon.
MORAL LEADERSHIP at HINDI POLITIKA
Binigyang-diin ni Father Secillano na ang pagkakaisa ng simbahan, akademya, at civil society ay dapat magsilbing babala sa mga nasa kapangyarihan na hindi na mananahimik ang mamamayan sa paniningil ng pananagutan.
Dagdag pa ng pari; “The alignment of forces from the church, academe, civil society organizations and other concerned groups should alarm those in positions of power that the public will no longer be muted in exacting accountability from them.”
Nilinaw rin niya na ang pakikilahok ng mga pari sa mga pagkilos ay hindi pulitika kundi isang pagpapakita ng moral na pamumuno na kulang sa kasalukuyang pamahalaan.
“The involvement of clerics in this group is far from politicking. It is about providing moral leadership which is arguably lacking in our civil leaders,” ayon pa kay Fr. Secillano.
Ang kilusan ay itinatag noong February 13, na pinangungunan din nina Bishop Jose Colin Bagaforo ng Diocese of Kidapawan at Pangulo ng Caritas Philippines at Bishop Roberto Gaa ng Diocese of Novaliches.
Kasama rin sa konseho ang mga pinuno mula sa Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), at Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MAPSA).
Kabilang din sa mga kasaping grupo ang CGG (Clergy for Good Governance), CCGG (Concerned Citizens for Good Governance), at TAMA NA (isang alyansa ng mga unibersidad na pinamumunuan ng De La Salle University).
Nanawagan din si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, incoming national director ng CBCP-NASSA at Pangulo ng Caritas Philippines na makiisa sa TRILLION PESOS march sa September 21, 2025 upang sama-samang kundenahin ang malawakang katiwalian sa gobyerno.
JOIN THE TRILLION PESOS MARCH
“Silence is complicity. Together, let us say NO to corruption!
Brothers and sisters, On September 21, we call on every Filipino to come out on the streets in indignation against the trillions lost to corruption, gambling, and lavish lifestyles of public officials, while the majority of our people remain in poverty, suffering hunger, and battered by calamities. As the CBCP Pastoral Letter on Flood Control Corruption reminded us: corruption robs our people of funds meant for education, health, housing, and flood control. It kills hope and destroys lives. In 2013, we rose as one nation to denounce the ₱10B Napoles PDAF scam. How much more today when we face not billions but trillions stolen? Wear WHITE – a symbol of purity, truth, and our united fight against corruption. JOIN the TRILLION PESOS MARCH in your own locality. •NCR: Luneta in the morning, People Power Monument in the afternoon. Important: We call on everyone to keep our gathering peaceful and disciplined. Let us learn from the painful experiences of our neighbors in Nepal and Indonesia where protests turned violent. Our moral force comes from truth, prayer, and nonviolence. Let us show that the Filipino people will not be silent. Our faith demands action. Our children’s future demands courage. Together, let us march – for truth, for justice, for our people, and for our country.”bahagi ng panawagan ni Bishop Alminaza.
Hinihikayat ang mga nais na dumalo sa pagkilos na magsuot ng puting damit at magdala ng payong bilang pananggalang sa ulan.
Taong 2013, nang nagtipon ang milyong bilang ng mga mamamayan sa Luneta, kaugnay naman sa pork barrel scam- o kilala rin bilang Priority Development Assistance Fund o PDAF scam) ay isang malaking kaso ng katiwalian sa Pilipinas.
Bago ang Sept. 21 rally, nagsagawa na rin ng pagkilos noong Sept. 11-kasabay ng kaarawan ni dating Pangulong Marcos Sr. sa iba’t ibang bahagi ng bansa, habang idineklara din ngayong araw ang Black Friday Protest na inisyatiba ng Bangon Sambayanan Movement sa Edsa Shrine.