Simbahan, nanawagan sa mamamayan na mag-ingat at maging alerto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Inihayag ni Baguio Bishop Victor Bendico na simbolo ng pakikipagkaisa ang pagdalaw ng mga Muslim sa Our Lady of the Atonement Cathedral sa lunsod ng Baguio.

Ayon sa Obispo, magandang pagkakataon ang pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim sa paglaban sa banta ng terorismo sa bansa partikular sa Hilagang Luzon.

“I was surprised, it’s a way and a sign of unity being expressed there especially against terrorism,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Aniya, isang magandang hakbang ang pakikiisa ng mga Muslim sa mga Kristiyano sa pagtiyak na maging ligtas ang buong pamayanan sa mga karahasan.

Ika – 11 ng Agosto ng pumasok sa Baguio cathedral ang Baguio Muslim Community sa pangunguna ni Imam Samsudin Monib upang ipakita ang pagtiyak sa seguridad ng mga Kristiyano sa loob ng bahay dalanginan sa banta ng terorismo.

Sa pahayag ni Imam Monib ang mga terorista ay walang relihiyon at walang kinikilalang Diyos kaya’t wala itong lugar sa Baguio City o saan mang bahagi ng daigdig dahil naghahasik lamang ito ng karahasan.

Umaasa si Bishop Bendico na iiral ang pagkakaisa sa mamamayan ng Baguio sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya at kultura upang makamit ang mapayapang pamayanan.

“I hope that the Muslim community and the residence of or people of Baguio would live harmoniously that there would be peace and order in the city,” ani ni Bishop Bendico.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng masusing beripikasyon ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas kaugnay sa bantang pag-atake ng teroristang ISIS sa mga makasaysayang simbahan (Church Crusade) sa Hilagang Luzon partikular sa Laoag at Vigan sa Ilocos, Manaoag sa Pangasinan at Tuguegarao City.

Malugod na tinanggap ng mananampalataya ang mga rosas na ipinamahagi ng mga Muslim sa mananampalatayang dumalo sa Misa.

Ayon kay Bishop Bendico, pinaigting ng pulisya ang pagbabantay sa paligid ng Simbahan at sa mga matataong lugar lalo’t maraming turista ang dumadayo sa ‘summer capital’ ng Pilipinas sa araw at sa gabi.

Nanawagan ng Obispo sa bawat mamamayan na manatiling alerto at mapagmasid sa paligid upang maipagbigay alam sa awtoridad ang mga kahina-hinalang pagkilos ng mga tao.

“They would really be vigilant and be watchful of a probably unusual movement not only in the cathedral or churches but also in the city of Baguio; we have to be very careful,” ani ng Obispo.

Batay sa tala ng lokal na pamahalaan ng Baguio mahigit sa isang milyon ang bilang mga turistang lokal o dayuhan ang bumibisita sa Baguio bawat taon kaya’t mahalagang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa lunsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,722 total reads

 63,722 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,598 total reads

 142,598 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,043 total reads

 176,043 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,342 total reads

 211,342 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,282 total reads

 435,282 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top