Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,295 total views

Kapanalig, ang arts o sining ay napakahalaga sa kahit anumang bayan. Sa sining makikilala ang isang tao, isang komunidad, at ang bansa. Ito ay tatak ng ating pagkatao.

Ang sining ay isang form of expression. Sa pamamagitan ng sining, gaya ng tula, musika, sayaw, pag-guhit, pagpipinta, at pagtatanghal, ating naibabahagi ang ating saloobin. Mahalaga ang self-expression sa lahat ng indibidwal dahil mula dito, tayo ay aktibong lumalahok sa lipunan, at sa paglahok na ito, mapapayabong pa natin lalo ang buhay sa ating mundong ginagalawan.

Ang sining ay napakahalaga din sa komunidad. Ito ay isang paraan upang mapag-kaisa ang mga mamamayan tungo sa isang layunin. Ang arts o sining sa mga pamayanan ay senyales ng buhay at pagkakaisa. Senyales ito ng saya. Ang sining sa komunidad ay hindi lamang pumupukaw ng imahinasyon at pagka-malikhain ng mga mamamayan, Ito rin ay maaaring magpasigla pa ng economic activities sa isang pamayanan. Maaaring magbigay buhay ang sining sa turismo ng isang bayan. Maaaring magsimula ito ng mga maliliit na negosyo.

Ang sining kapanalig, ay isang kritikal na aspeto ng ating bayan. Mula dito, ating napapalaganap ang ating kultura bilang isang bansa. Naipapakita nating ang diversity at ang kulay ng iba-ibang rehiyon sa ating bansa. Ang sining din ay nagbibigay sa atin ng sense of belonging. Nakikilala agad natin ang mga sining at likha na mula sa ating sariling lugar, at sa ating pagtingin dito, we feel we are home, kahit papaano, kahit nasaan ka mang parte ng mundo.

Ang sining din kapanalig ay simbolo hindi lamang ng ating pagkakakilanlan, kundi ng ating mga pinahahalagahan. Nakikita rito ang ating values bilang tao, bilang komunidad, bilang bansa. Kaya nga’t sa maraming bansa sa buong mundo, ang sining ay binibigyan ng halaga at prayoridad. Ang mga pamahalaan mismo ang nangunguna sa pagpapayabong ng sining at kultura. Sila rin ang unang tagapag alaga nito.

Sa ating bansa, ang sining at kultura ay hindi nabibigyan ng sapat na atensyon at suporta. Ito lamang nakaraang taon, ang mga cultural agencies ng ating bansa ay nakiusap sa senado ng karagdagang budget upang maipagpatuloy ang kanilang mahahalagang proyekto. Sayang naman kapanalig, kung ating hindi bibigyan ng sapat na suporta ang ating mga arts and cultural agencies. Sa ibang bansa, gaya ng South Korea, ang arts and culture ang naging pangunahing driver o tagapag tulak ng ekonomiya at pagkakakilanlan nila sa buong mundo. Sana ang ating pamahalaan ay maging tunay na tagapangalaga ng ating sining at kultura, at gamitin ito para sa katotohanan at tunay na kagalingan ng sambayanan.

Kapanalig, para sa sa Simbahan, ang arts o sining ay napakahalaga. Sabi nga ni Pope Francis “Artistic creation completes, in a certain sense, the beauty of Creation, and when it is inspired by faith reveals more clearly to people the divine love which is its origin.” Pinapakita rin ng sining ang ating “thirst for God,” at ng ganda at pag-ibig ng Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 6,834 total views

 6,834 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 22,923 total views

 22,923 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 60,707 total views

 60,707 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 71,658 total views

 71,658 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 16,859 total views

 16,859 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 6,835 total views

 6,835 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 22,924 total views

 22,924 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 60,708 total views

 60,708 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 71,659 total views

 71,659 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,119 total views

 91,119 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 91,846 total views

 91,846 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 112,635 total views

 112,635 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,096 total views

 98,096 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,120 total views

 117,120 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top