Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

 87,867 total views

Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng.

katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa lalawigan ng Maguindanao at Cotabato.

Ayon kay Rev. Fr. Clifford Baira, Social Action Director ng Archdiocese of Cotabato, malaking tulong ang ipinadala ng Caritas Manila at Coca cola Foundation para maibsan ang kagyat na pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Hindi naging balakid sa grupo ni Fr., Baira ang mahirap na daan at layo ng mga baryo kung saan naghatid sila ng nasa 500 food bags sa bayan ng North at South Upi ganun na din sa Datu Piang, Maguindanao.

“Nasa biyahe po kami ngayon kahapon nasa North Upi Maguindanao kami papasok naman kami sa South Upi. We gave almost 200 bags [kahapon] then 300 bags for today in other areas. South Upi and Datu Piang” bahagi ng mensahe ni Fr. Baira habang tumutungo sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Mindanao.

Matatandaang una na din nagpadala ng tulong ang Caritas Manila para sa mga lalawigan ng Capiz, Antique at Aklan na labis din ang mga pagbaha dahil sa bagyong Paeng
.
Tinatayang umabot sa mahigit P1.7 Milyong piso na ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa may anim na Diyosesis o pitong lalawigan na pinaka-naapektuhan ng bagyong Paeng.

Dahil dito magsasagawa ng Special Telethon ang Caritas Manila katuwang ang Radyo Veritas sa araw ng lunes, ika-7 ng Nobyembre upang palakasin pa ang kagustuhan nito na makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Gaganapin ang Telethon mula alas siyete ng umaga hanggang alas dos ng hapon sa himpapawid ng Radio Veritas 846 khz habang ipagpapatuloy naman ito online sa Facebook page na DZRV 846 at Caritas Manila Inc. mula alas dos ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Pangungunahan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang isasagawang Telethon kung saan mapapakingan at mapapapanood din ang mga kinatawan ng iba’t-ibang Diyosesis ng naapektuhan ng bagyo.

ang lahat ng makakalap na donasyon sa nasabing Telethon ay ibubuhos para sa mas malawak na pagtugon ng Caritas Manila sa relief and recovery programs sa mga apektadong lalawigan.

Para sa nais magbahagi ng tulong, maaring tumawag sa Caritas Manila hotline number 8562 4269 o sa mobile number na 0905 428 5001 at 0967 276 4806.

https://www.facebook.com/roger.rivera.1985/posts/pfbid0dcdna45dnumVmR4xi92ATEuJNWuaza7yGNdcRak2a2w5A9bNZ5YfrVkAm1XbuEwUl

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan ang kalusugan

 355 total views

 355 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 16,186 total views

 16,186 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 108,617 total views

 108,617 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 126,949 total views

 126,949 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 144,611 total views

 144,611 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 54,877 total views

 54,877 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 68,170 total views

 68,170 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top