Stewardship Simbang Gabi: Ano ba ang katiwala?

SHARE THE TRUTH

 20,617 total views

Stewardship Simbang Gabi: Ano ba ang katiwala?

Sunday

December 17, 2023

Katiwala nga tayo ng Diyos. Ito ang misyon natin bilang tao. Ano nga ba o sino nga ba ang katiwala? Ang katiwala ay hindi ang may-ari. Hindi kanya ang ginagamit niya. Pero kahit na hindi siya ang may-ari, siya ang namamahala, siya ang gumagamit. Dahil dito madali niyang kalimutan na hindi pala siya ang may-ari kasi siya ang gumagamit at nagdedesisyon tungkol sa ipinagkatiwala sa kanya. Hindi kanya ang bahay, pero siya ang namamahala at nangangalaga nito. Minsan siya pa nga ang nakatira doon. Kaya madaling makalimutan na hindi pala kanya ang bahay.

Dahil sa hindi kanya, tinatanong niya at inaalam niya kung ano ang gusto ng may-ari. Tinatanong niya sa may-ari kung gusto ba niyang papinturahan ang bahay. Hindi lang siya basta-bastang nagdedesisyon. Dahil dito kailangan na may contact siya sa may-ari. Paano niya malalaman ang gusto ng may-ari kung hindi naman siya nakikipag-usap sa may-ari?

Dahil sa siya ay katiwala lamang, mananagot siya sa may-ari sa mga ipinagkatiwala sa kanya. Hindi dapat masira at masayang o mamatay ang ipinagkatiwala sa kanya. Hindi dapat mawala ang cellphone na pinahiram sa kanya. Hindi dapat mamatay ang kalabaw na pinangangalagaan niya. Hindi dapat mabutas ang bangka na pinagagamit sa kanya. Dahil siya ang nakikinabang sa ipinagkatiwala sa kanya, dapat nagbibigay siya ng bahagi ng may-ari. Kung ako ang nangangalaga sa lupa, may bahagi din ang may-ari sa ani ko. Dahil ipinagkatiwala sa akin ang inahin, may bahagi ang may ari sa mga anak nito.

Tayo ay katiwala ng Diyos ng mga nilikha niya. Hindi atin ang mundo. Katiwala tayo. Inaalam natin sa Diyos paano ba gagamitin at aalagaan ang lupa, ang karagatan, kagubatan, ang biodiversity na nasa mundo. Isinasaalang-alang ba natin ang Maylikha sa paninirahan natin sa mundong ito? Ano ba ang gusto niya?

Gusto niya na igalang natin at pangalagaan natin ang sangnilikha, na hindi natin ito abusuhin. Gusto ng Diyos na Maylikha na ang lahat ng tao ay makinabang sa yaman ng mundo at hindi lang ang mga may kaya, ang mga may pera at may teknolohiya. God created the world for all for the benefit of all. Ito ay tinatawag natin na universal destination of the goods of the earth.

Parang hindi yata ito nangyayari ngayon. May ilang mga bansa lang at maliit na porsiyento lang ng mga tao ang nakikinabang sa kayamanan ng mundo. Ang karamihan ay napapabayaan at mahihirap. Hindi pantay ang pag-distribute sa yaman na galing sa mundo. Kung marami ang mahihirap, hindi ito dahil sa kulang ang yaman ng mundo para sa lahat. May sapat na yaman sa mundo pero hindi maayos ang pag-distribute ng yamang ito.

Hindi rin natin masasabi na ang mga mahihirap ay tamad kaya sila ay mahirap. Mas masipag pa nga ang maraming mahihirap kaysa mga maykaya. May mga pamamalakad sa mundo, mga hindi makatarungang pamamalakad na nagpapahirap sa maraming tao, isa na diyan ay ang corruption at hindi makatarungang business practices tulad ng panggipit sa mga manggagawa. Nandiyan na rin ang paggamit ng police at military upang supilin ang mga maliliit na mga tao.

Pero makatarungan ang Diyos. Mananagot tayong lahat sa kanya. Napapakita ang katarungang ito sa paghihiganti ng kalikasan. Kaya nandiyan ang mga baha, ang El Nino, ang global warming. May kasabihan na ang Diyos ay palaging nagpapatawad, ang tao ay minsan-minsan nagpapatawad, pero ang kalikasan ay hindi nagpapatawad. Bumabawi siya.

Dahil sa ginagamit natin ang mundo na ipinagkatiwala sa atin, sana nagbibigay din tayo ng bahagi ng May-ari. Ito ay ang balik-handog. Sa mga bigay ng Diyos may ibinabalik tayo sa kanya, kung tayo ay mabubuting katiwala. Kaya magbalik-handog tayo. Bahagi ito ng ating pagiging mabuting katiwala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,428 total views

 75,428 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,074 total views

 87,074 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,321 total views

 96,321 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,118 total views

 102,118 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,506 total views

 114,506 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 2,050 total views

 2,050 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 4,806 total views

 4,806 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 4,806 total views

 4,806 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 4,802 total views

 4,802 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 8,303 total views

 8,303 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 4,802 total views

 4,802 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 4,797 total views

 4,797 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 4,797 total views

 4,797 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 4,798 total views

 4,798 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 14 2024

 9,097 total views

 9,097 total views Homily February 14 2024 Ash Wednesday Joel 2:12-18 2 Cor 5:20-6:2 Mt 6:1-6.16-18 Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, bilang pinadala ng Diyos, nanawagan kami sa inyo sa ngalan ni Kristo, makipagkasundo na kayo sa Diyos. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Tanggapin na ninyo ang kaligtasang inaalok sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 13, 2024

 4,798 total views

 4,798 total views First Things First | February 13, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 12, 2024

 8,555 total views

 8,555 total views First Things First | February 12, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 11, 2024

 9,150 total views

 9,150 total views First Things First | February 11, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 11, 2024

 8,555 total views

 8,555 total views 6th Sunday of Ordinary Time World Day of the Sick Lev 13:1-2.44-46 1 Cor 10:31-11:1 Mk 1:40-45 Noong February 11, 1858 si Bernadette Soubirous, kasama ng dalawa pang batang babae ay pumunta sa may grotto ng Masabiel upang manguha ng panggatong. Bigla na lang may malakas na hangin mula sa grotto at doon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 10, 2024

 9,472 total views

 9,472 total views First Things First | February 10, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top