Sumuporta sa GOMBURZA, pinasalamatan ng JESCOM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,131 total views

Pinasalamatan ng Jesuit Communications ang lahat ng sumuporta sa pelikulang GOMBURZA na umani ng pitong parangal sa 49th Metro Manila Film Festival.

Ayon kay JesCom Executive Director Fr. Emmanuel Alfonso, SJ. layunin ng media arm ng mga Heswita na maisabuhay at maipakita sa bagong henerasyon ang kasaysayan nina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na nanindigan laban sa paniniil ng mga Espanyol dahilan upang maparusahan ng kamatayan.

“Hindi namin iniisip ang mga award ang iniisip namin kung paanong maikuwento ang kasaysayan nitong tatlong pari,” pahayag ni Fr. Alfonso sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng pari na isinasabuhay lamang ng JesCom ang panawagan ng simbahan na gamitin ang larangan ng media para sa ebanghelisasyon.

“Iniisip namin ang media evangelization na magamit natin itong plataporma ng pelikula, we should use media, we should use social communications to evangelize,” giit ni Fr. Alfonso.

Sa gabi ng parangal nakamit ng GOMBURZA ang Best Sound Design, Best in Production Design, Best in Cinematography, Gatpuno Antonio Villegas Award, at Best Picture habang itinanghal na Best Actor si Paul Cedrick Juan na gumanap bilang Padre Burgos at Best Director naman si Pepe Diokno.

Ibinahagi rin ng Veritas Pilipinas anchor na ito rin ay handog ng mga Heswita sa 500 Years of Christianity ng Pilipinas na itampok ang ginampanang tungkulin ng mga pari na nanindigan sa katotohanan kahit nangangahulugan ng kamatayan.

Nabuo ang kwento ng GOMBURZA sa gabay ng aklat sa kasaysayan ng tatlong paring martir sa komprehensibong pananaliksik ni Jesuit priest Fr. John Schumacher gayundin ang paggabay ng iba pang historian sa bansa.

Nagpasalamat si Fr. Alfonso sa mga natanggap na parangal kasabay ng paghimok sa mamamayan na panuorin ang pelikulang GOMBURZA sa mga sinehan sa buong bansa upang malinang ang karunungan hinggil sa kasaysayan ng bansa lalo na sa panahon ng mga Espanyol.

Suportado ng simbahan sa pangunguna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang GOMBURZA at hinikayat ang mamamayan na tangkilikin ito upang mag-alab ang diwa ng pagiging maka-Diyos at Makabayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 96,050 total views

 96,050 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 124,055 total views

 124,055 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 141,855 total views

 141,855 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 138,149 total views

 138,149 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 243,385 total views

 243,385 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top