Suporta sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,085 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila ang pinaigting na pakikiisa sa panawagan ng sektor ng manggagawa sa agrikultura.

Ito’y matapos patuluyin ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa tanggapan ang may 300 magsasaka, mga kabataan at miyembro ng agricultural groups na pinangasiwaan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Ayon kay Father Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas , ang pagtanggap sa mga magsasaka ay bilang pagpapadama sa sektor na kasama nila ang simbahan higit na ang Social Arm ng Archdiocese of Manila sa kanilang pakikibaka.

“Tayo ay nakikiisa sa mga magsasaka at samahan ng KMP sa kanilang mga hinaing upang matulungan ang mga magsasaka sa panganib sa taripa ng gobyerno ay bababa na, naiintidihan natin na para maging mura ang bigas para sa mamamayan, pero huwag sanang kalimutan ang kalagayan ng mga magsasaka na nangangailangan ng regular at maayos na kita,” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas.

Lubos naman ang pasasalamat ni Danilo Ramos, National Chairperson ng KMP sa pagtanggap ng Caritas Manila sa kanilang hanay bago ang isasagawang kilos protesta para hilingin sa pamahalaan na ipawalang bisa ang Rice Tarrification law at pagpapatigil sa red-tagging at katarungang panlipunan sa mga harassment sa kanilang hanay.

Ayon kay Ramos, sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga ecumenical religous groups higit na ng Simbahang Katolika ay napapalakas ang panawagan ng sektor ng mga magsasaka upang makamit ang kanilang mga ipinaglalaban.

“Napakahalaga po ng suporta ng simbahan siyempre po tinitukoy natin ang Roman Catholic at iba pang demonisasyon, Philippine Independent Church, Methodist Church, National Council of Churches at Episcopal Church of the Philippines, alam po namin na amg inyong mga constituents ay mga magsasaka, manggagawa at maralita at partikular po maraming maraming salamat po sa ating pinakamamahal na Cardinal Jose Advincula na siya pong pinaka head sa ating bansa, Kay Fr Anton Pascual hindi po siya nag atubili nang makausap natin ang pag sang-ayon na dito ganapin ang gabi ng pagkakaisa na pag-iistay ng mga magsasaka,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ramos.

Tiniyak ni Ramos na unang ipinanawagan sa kilos protesta ay ang pagsawalang bisa ng Rice Tarrification Law na simula noong 2019 ng maisabatas ay nagdulot ng 30 bilyong pisong pagkalugi sa mga magsasaka ng palay.

Apela din ng mga magsasaka ang suporta upang mapaigting ang lokal na produksyon ng pagkain upang maalis ang pagiging import dependent ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,851 total reads

 51,851 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,279 total reads

 101,279 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,150 total reads

 149,150 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,098 total reads

 253,098 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,639 total reads

 336,639 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top